Marian tinuruang ‘matalo’ si Zia

Nagprotesta ang mga fan ni Marian Rivera dahil natalo nga ang panganay niyang si Zia Dantes sa pakontes sa school nila (Miss United Nation?).

marian tinuruang matalo si zia - Marian tinuruang ‘matalo’ si Zia
zia 1 - Marian tinuruang ‘matalo’ si Zia

Dondon Sermino Paistaran 23 336x224 - Marian tinuruang ‘matalo’ si ZiaNagprotesta ang mga fan ni Marian Rivera dahil natalo nga ang panganay niyang si Zia Dantes sa pakontes sa school nila (Miss United Nation?).

“My little miss Indonesia – Ate Z was a bit sad that she didn’t win best costume this time, sabi ko sa kanya na it’s okay, life is really like that, minsan panalo minsan talo. You should still enjoy the process and be happy for others success. Sana yung mga lessons na ganito madala niya hanggang sa kanyang paglaki. Ang mahalaga, you have your loved ones supporting you. She felt better after our talk, kaya ayan napasulat sa diary… Love you Ate Z! You’re a true winner in our eyes! #MariaLetizia @yong.studio @kulturafilipino,” sabi ni Marian.

Well, para nga sa libo-libong tagahanga ni Zia, siya talaga ang real winner, ha! At tingnan niyo naman kasi ang itsura ni Zia sa IG, super ganda, at talagang hahangarin mo na maging anak mo siya.

Well, kapuri-puri rin ang klase ng pagpapalaki ni Marian kay Zia, na dapat ay marunong itong tumanggap ng pagkatalo. Na dapat niyang malaman na hindi lahat ng panahon ay makukuha niya ang gusto niya.

Alyssa perfect na batang Virgin Mary sa ‘The Magnificat’

Mapapanood pa ngayong gabi (Oct. 12) ang “The Magnificat The Musical” sa Music Museum. Bida rito ang mga mahuhusay na theatre artist na sina Pinky Marquez-Cancio (Mary), Ana Feleo (Mary), Al Gatmaitan (Jesus), Sheila Asuncion-Parducho (Satan), Alyssa Evangelista (Young Mary), Kelvin Galano (Joseph), Andre Bacani (Young Jesus), Matteo Teehankee (Young Jesus), Tonton Pascual (Anna), Miguel Aguila (John The Baptist), Sheila Gamo (Angel), Khalil Tambio (Zacharias), Roxy Abuel (Angel), Vince Conrad (Peter), Randy Gilongo (Simeon), Gerard Dy (Centurion), and Kim Lawrenz Ordonio (Adam).

At bongga ito dahil ang mahusay na director na si Laurice Guillen ang namamahala nito, katuwang sina Joey Nombres, lighting designer; Leslie Centeno, assistant of Gino Gonzales, production designer; Erwin Flores, costume designer; Jomelle Era, movement director, and Randy Gilongo, musical director.

Anyway, nakadalo nga kami sa presscon ng “The Magnificat The Musical”, at sobrang bumilib kami sa baguhang singer na si Alyssa na gaganap nga bilang batang Mary. Perfect ang role na ‘yon sa kanya. Ang ganda ng bagets na ito, at nagtaka nga kami na bakit ngayon lang niya pinasok ang career na ito.

Sabi niya, inuna raw talaga niyang tapusin ang edukasyon niya, at ngayong okey na siya, kaya nagawa na niyang iparinig sa publiko ang maganda niyang tinig. Wish ko lang na mabigyan pa siya ng mas maraming project, hindi lang sa teatro, kundi pati na rin sa telebisyon o pelikula kaya.

Ysabel Ortega Lapid umeksena sa show ni Chris Tiu

Sina Sef Cadayona, John Kenneth “Dekdek” Giducos at Ysabel Ortega Lapid nga ang bumisita kay Chris Tiu, kasama si Roadfill, para gumawa ng mga bagong eksperimento.

Ano nga ba ang mga eksena sa “Bilibabols,” na dapat ay malampasan ng I-Bilibers ang challenge to blow in different interconnected pipes, the common end of which is an uninflated balloon. Ang una ngang makakapagpaputok ng mga lobo ay wagi.

Sa “Street Genius” ay idi-discover nila kung how many water-filled balloons it will take to stop a bullet fired from a .44 caliber gun, as well what material, if any, can withstand the pulverizing power of a common household blender.

At sa “Huling Hirit”, Chris tests the gang’s observation skills when he pokes a pencil through a folded paper bill play money, but when he unfolds it, it’s unscathed! Tutukan lahat ‘yan sa “I-Bilib!” bukas ng umaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *