Marian sabik nang padedehin si baby boy

Kabuwanan na ngayon ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. As in, anytime from now ay puwede nang mag-pop-up ang much awaited second baby nila ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, which is, a boy.

The post Marian sabik nang padedehin si baby boy appeared first on Abante News Online.

marian sabik nang padedehin si baby boy - Marian sabik nang padedehin si baby boy
ABANTE showbiz marian rivera - Marian sabik nang padedehin si baby boy

Kabuwanan na ngayon ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. As in, anytime from now ay puwede nang mag-pop-up ang much awaited second baby nila ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, which is, a boy.

So, it’s surely an April and a summer baby. Kaya naman si Marian, may isang buwan na rin yatang naka-maternity leave, isini­ngit na lang talaga niya last month na mag-shoot pa ng endorsement, pero most of the time, sa bahay at waiting lang talaga siya. Puwede rin daw kasi na late March lumabas si baby boy.

Si Dingdong naman, obviously, hindi na rin ito kumuha ng mga work loads lately, rumelyebo lang siya kay Marian sa show nitong “Tadhana.”

Handa na naman sina Dingdong at Marian sa paglabas ni baby, as well as si Zia. Perfect din ang kabuwanan ni Marian na summer dahil si Zia, end of her school year na rin.

Naaliw kami kay Marian nang i-message namin at sabihing tatawagan namin siya at may mga itatanong lang for article, hirit sa amin, “saka na, ‘pag na­nganak na ko!”

To which, we expected dahil itong si Marian, wala namang kebs talaga na kailangan e, palagi siyang nasa news. And knowing her, sure kami na feel na feel nitong very housewife and mother siya nga­yon sa mag-ama niya while waiting for the new member of their family.

Sinegundahan naman ni Marian ang pinost ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account na ‘yun nga, malapit na raw itong manganak at the way she see Marian, homemaker raw talaga ang gustong career at hands on talaga siya sa bahay at sa mag-ama niya.

Nag-reply si Marian dito ng, “‘Yan talaga ang pangarap ko maging ‘Nanay’ na maraming anak.” At saka isinunod ang hashtag na malapit na at emoticon ng baby.

Well, gusto na nga ni Marian ‘yung feeling na karga niya sai baby boy, at nagpapadede siya, ha!

Migo nanood ng concert kasama ang ina

Dahil sa nangyaring insidente at kasong kinasangkutan ng StarStruck ultimate winner ng batch 6 na si Migo Adecer, sobra raw talagang nag-alala ang ina nito.

Sa Australia naka-base ang pamilya ni Migo. Kaya nang mabalitaan ng mga magulang niya ang nangyari sa anak, pagkahuli at pagkakakulong dito, iyak daw nang iyak ang ina ni Migo na siyempre, hindi naman agad-agad makalipad nang gabing ‘yun para puntahan ang anak.

Masuwerte rin si Migo dahil may GMA Artist Center siya na parang pamilya na niya talaga rito at siyang nag-asikaso ng lahat at balita naming hindi siya iniwan sa presinto hanggang sa makapag-piyansa na siya.

Ang bongga, nasorpresa na lang si Migo nang biglang dumating kinabukasan ang ina niya mula sa Australia.

Personally, may ikina-turn off talaga kami sa attitude niya bago pa ang kasong kinasangkutan niya. Pero sana nga, ma­ging aral na rin sa kanya ang nangyari at maging daan para mabago niya ang mga ‘di okay na attitude.

Na-touch kami sa nakita naming picture nang sorpresang duma­ting ang mommy ni Migo sa condo niya. Ang higpit ng yakap ng mag-ina.

19 years old pa lang si Migo, kahit sabihin na independent living na ito at laking Australia, siguradong sa mga ganitong pagkakataon, ang nanay ang isa sa gusto niyang nakaalalay sa tabi niya habang sa isang ina, ‘di mawawala ang matinding pag-aalala.

Obviously rin, trying to fix the pieces at hindi hahayaang ma-depress siguro with what happened, kasama ang ina, spotted na nanood ng concert si Migo noong Sabado ng gabi ng The Aces sa Smart Araneta.

Bukod sa tuloy-tuloy pa rin siya sa primetime series niyang “Sahaya” at sa gagawing pelikula na “Black Lipstick” kasama sina Kyline Alcantara at Manolo Pedrosa.

The post Marian sabik nang padedehin si baby boy appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *