Marian ‘pinalitan’ na ng Siyete

Sa second week of November na raw magre-resume ang “First Yaya”, ang GMA 7 series na pagbibidahan sana ni Marian Rivera, pero tumanggi ngang mag-lock-in taping ang aktres.

The post Marian ‘pinalitan’ na ng Siyete first appeared on Abante.

marian pinalitan na ng siyete - Marian ‘pinalitan’ na ng Siyete
Marian Rivera 3 - Marian ‘pinalitan’ na ng Siyete

Jun Lalin Anything Goes 42 1 300x200 - Marian ‘pinalitan’ na ng SiyeteSa second week of November na raw magre-resume ang “First Yaya”, ang GMA 7 series na pagbibidahan sana ni Marian Rivera, pero tumanggi ngang mag-lock-in taping ang aktres.

Hindi lang sure ang kausap ko kung second week of November ay lock-in taping na sila o COVID-19 swab testing muna at saka mag-quarantine.

Sa Wednesday raw kasi ang Zoom app meeting.

“Kasama na sa meeting ang buong cast. Hindi pa sinasabi sa akin kung sino ang kapalit ni Marian, pero malalaman ko on that day.

“Actually, inaalam ko na nga, ikuwento ko sa‘yo kapag nasabi na sa akin,” sey ng source ko.

Excited na raw ang lahat ng kasali sa “First Yaya” para sa lock-in taping nila.

Kung matatandaan, noong March ay nakapag-taping na si Marian, pero dahil sa lockdown ay natigil ‘yon hanggang mag-announce na nga ang aktres na dahil maliliit pa ang kanyang mga anak ay ayaw muna niyang mag-lock-in taping.

TV5 nabulabog sa ‘hinarang’ ng Abante

Nag-react ang TV5 sa lumabas na “hinarang” nila ang face-to-face at virtual presscon dapat ng businessman na si Albee Benitez noong Wednesday.

Dapat ay formal na ia-announce ng former congressman ang kanyang Brightlight Productions at ang mga show na iba-blocktime niya sa TV5.

Kinausap nga nila si Manay Lolit Solis tungkol doon.

Nang magkausap kami ni Manay Lolit, “Naku, sabi ni Peachy (Guioguio), ok naman pala ni itinuloy na lang sana ang presscon ni Papa Albee at sa Monday na lang sila.

“Nag-explain naman sila dahil akala yata nila galit ako dahil sa pagkaka-cancel ng presscon, ‘noh?!

“Pero hindi ako galit. Sinabi ko naman sa kanila, the more, the merrier, mas maganda. Hahaha!

“Pero ang hindi maganda, may nang-intriga kaagad na ‘Dimlight’ daw at hindi Brightlight dahil cancelled nga ang presscon sana.

“Pero hindi bale, matutuloy rin ‘yan, plus ‘yung sa announcement presscon at pag-welcome mismo ng TV5 kay Papa Albee.

“Pero wala ako masabi, nagulo ang mundo dahil sa sinulat mo sa Abante. Well-read talaga ang Abante, huh!” tatawa-tawang dialogue ni Manay Lolit.

Naku, basta excited ang lahat na makatsikahan si Albee dahil sa magaganda niyang projects for TV5, huh!

Agree, Manay Lolit and Ms. Peachy?!

Alan, William pasok sa ‘AMD’

Serious talaga si Joed Serrano (producer) at Direk Joel Lamangan (direktor) sa pagsisimula ng “Anak ng Macho Dancer” movie project nila.

Noong isang araw nga ay in-introduce na nila sa entertainment press ang magbibida sa pelikula, si Zsean de Guzman, na miyembro pala ng isang dance and sing group.

Napili si Sean sa pa-audition ng grupo nina Joed at Direk Joel.

‘Yung aktor na gusto sana ni Joed na magbida (na pinuntahan pa niya sa Cavite), part pa rin naman daw ng movie, pero si Sean daw kasi ang napili ng grupo nila bagay na maging bida sa pelikulang ‘yon.

Sabi ni Joed, sina Alan Paule at William Lorenzo na part ng “Macho Dancer” movie noong 1988 ni Direk Lino Brocka ay part daw ng “Anak ng Macho Dancer”.

The post Marian ‘pinalitan’ na ng Siyete first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *