Marian makatas ang dibdib

Isa sa mga advocacy ni Marian Rivera ay ang hikayatin talaga ang lahat ng mga nanay na padedehin ang kanilang mga sanggol. Marami nga kasing nanay ngayon ang nagtatrabaho, at inaasa na lang sa bote, o powdered milk, ang pagkain ng kanilang mga anak.

The post Marian makatas ang dibdib appeared first on Abante News Online.

marian makatas ang dibdib - Marian makatas ang dibdib
Marian Rivera - Marian makatas ang dibdib

Isa sa mga advocacy ni Marian Rivera ay ang hikayatin talaga ang lahat ng mga nanay na padedehin ang kanilang mga sanggol. Marami nga kasing nanay ngayon ang nagtatrabaho, at inaasa na lang sa bote, o powdered milk, ang pagkain ng kanilang mga anak.

Kaya si Marian, lantaran talaga siyang nangangampanya na dapat ay busugin ang mga sanggol ng mga gatas na mula mismo sa dibdib ng mga ina.

Nakita nga ni Marian ang benepisyo sa bata ng gatas na mula mismo sa ina, dahil kita niyo naman si Zia, super bibo, at malusog na malusog ngayon.

Kaya si Marian, hangga’t kaya niyang maglabas ng gatas, hanggang kaya ng dibdib niyang magpadede, gagawin at gagawin daw niya ‘yon.

Tulad ngayon sa bunso niyang si Ziggy, na nag-iimbak talaga siya ng gatas, ha! Ayaw na ayaw nga niyang magutom ang kanyang anak na lalake.

At sa Instagram story niya, ipinakita niya ang photo na isang plastic/sachet na puno ng gatas.

“Breaking the record. Yahooooo!!! Salamat Ama! #ForMyZiggy!” caption ni Marian.

Meaning, habang tumatagal, lalong nagiging makatas ang dibdib niya, kaya sulit na sulit at siguradong hindi magugutom si Baby Ziggy. (Dondon Sermino)

The post Marian makatas ang dibdib appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *