Marian kinilalang woman of style and substance

Kinaaliwan ng netizens ang biruan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kung saan nag-post ang aktor ng behind the scene photo ng asawa sa kanyang Instagram account.

The post Marian kinilalang woman of style and substance first appeared on Abante.

marian kinilalang woman of style and substance - Marian kinilalang woman of style and substance
Marian Rivera - Marian kinilalang woman of style and substance

dondon sermino 5 - Marian kinilalang woman of style and substanceKinaaliwan ng netizens ang biruan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kung saan nag-post ang aktor ng behind the scene photo ng asawa sa kanyang Instagram account.

“Pack up! Mejo may kagalingan itong talent ko today, ha! Parang pwede rin siyang mag-artista no? Whatchuthink?” pakiyemeng caption ni Dong.

Game na game namang sinakyan ni Marian ang biro ng asawa at nag-comment pang…

“Papaalam muna ako sa mga anak ko kung papayagan nila ako!”

Dahil limitado pa rin ang pagte-taping sa labas, madalas na nagco-collaborate ang mag-asawa sa iba’t ibang proyekto na kanila mismong kinukunan sa kanilang tahanan.

Samantala, tuloy na tuloy na ang paghahanda ng cast and crew ng Descendants of the Sun Pinoy adaptation sa kanilang pagbabalik-taping. Napapanood din si Dingdong sa infotainment show na ‘Amazing Earth’ tuwing Linggo, 5:25 PM, sa Kapuso Network.

At siyempre, sobrang proud si Dingdong na ang misis niya ang nasa cover ngayon ng People Asia.

“Sabi na nga ba may samting itong nakilala ko kahapon eh. Akalain mong nasa People Asia cover pala siya! Lupet!” say pa ni Dong sa IG iya ng mga photo ni Marian.

Tony, JC nagpakilig sa Thailand, Malaysia, Ecuador

May hatid na kilig sina Tony Labrusca at JC Alcantara sa duet nila ng kantang “Kahit Na Anong Sabihin Ng Iba” mula sa Star Music, matapos ang finale ng hit na Pinoy boys’ love (BL) series na “Hello Stranger”.

Malaki ang naging bahagi ng kanta sa istorya ng digital offering mula sa Black Sheep, lalo na kapag tumutugtog ito sa mga nakakatunaw na eksena nina Xavier (Tony) at Mico (JC).

Para sa mga XavMi fans na hindi maka-move on sa finale scene kung saan kinantahan ni Xav ng “Kahit Na Anong Sabihin Ng Iba” si Mico, inawit din ni Tony ang solong bersyon ng kanta na tumatalakay sa kahalagahan ng tiwala sa isang relasyon.

Samantala, dinumog ng mga fan mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang in-studio version ng kanta na in-upload sa YouTube at pinuri ang chemistry nina Tony at JC pati na ang magandang rendisyon nila sa kanta.

“Suddenly feeling emotional hearing this song from the cast of ‘Hello Stranger.’ Love from Malaysia,” sabi ni Ida Aziz.

“I died because of the tenderness of the two of them singing beautifully, TonyJC greeting from Ecuador,” sabi naman ni Analía Boats.

“Big love for JC and Tony from Thailand! Best chemistry ever, I can feel it from my BL heart,” komento ni Bobboe Bobber.

Ang “Kahit Na Anong Sabihin Ng Iba” ay orihinal na kanta ng bandang Unit 406 at isinulat ng lead vocalist nito na si Gabriel Tagadtad. Ang rendisyon ni Seth Fedelin ng kanta ay ginamit din sa “Hello Stranger.”

Para sa mga detalye, magpunta lang sa Star Music Facebook, Twitter at Instagram.

Bulaklak ni Benjamin mabango, mabenta

Hindi nagpatalo si Benjamin Alves sa coronavirus, kaya naman sa halip na tumunganga sa bahay, nagtayo ng business nitong quarantine ang binata.

Ikinuwento ng aktor ang online flower shop niyang ‘House of Roses’ na isa sa mga paraan niya para maging productive.

“Instead na mag-stay lang sa bahay nang walang ginagawa, saka I want to be productive. We found that there’s still a market for sending flowers or reaching out to people. We just want to send something to reach out to somebody. Hindi na natin magawa physically, so that where the concept came up,” sabi niya.

Naglalakihang Ecuadorian roses ang pride ng online flower shop niya, “We want to be known to have the best looking roses, the biggest roses,” saad pa niya.

Mabenta nga ang bulaklak ni Benjamin.

The post Marian kinilalang woman of style and substance first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *