Marian isa-isang binati ang mga kagalit

Tapos na ang kung anumang tampuhan o hidwaan kina Marian Rivera at Lovi Poe. Guest si Lovi sa Sunday ­Pinasaya last Sunday at nagsama pa ang dalawa sa segment na Hatawanan ­bilang judges.

marian isa isang binati ang mga kagalit - Marian isa-isang binati ang mga kagalit
marian 8 - Marian isa-isang binati ang mga kagalit

Jun Nardo I Know Better 28 336x224 - Marian isa-isang binati ang mga kagalitTapos na ang kung anumang tampuhan o hidwaan kina Marian Rivera at Lovi Poe. Guest si Lovi sa Sunday ­Pinasaya last Sunday at nagsama pa ang dalawa sa segment na Hatawanan ­bilang judges.

Nagsama sina ­Marian at Lovi sa Regal movie na Temptation Island. Isa sa kasama nila ay si Heart Evangelista.

Nagkaroon ng controversy after ng shooting sa Ilocos Norte sangkot sina Yan at Heart. At nagkaroon ng ­parang kampihan among the girls.

Naging malapit si Lovi kay Heart. Nagsama pa sila sa isang Kapuso series. Pero ­hindi naman minasama ‘yon ni Marian.

At heto sina Marian at Lovi ibinaon na sa limot ang nangyari sa Ilocos Norte!

Bongga si Marian dahil matapos nilang magbati ng dati niyang manager na si Popoy Caritativo, heto at kay Lovi naman siya nakipag-ayos, ha!

Maine nasobrahan sa kulit, ayon kay Bossing

Isang buwan ang selebasyon ng anniversary ng Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Imagine, isang taon na pala ang sitcom kaya may mga pasabog ang buong cast sa month-long episodes na handog.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, ayon kay ­Bossing, hindi raw niya namalayan na isang taon na ang sitcom.

“Di ko nga napansin. Ganoon siguro pag enjoy ka sa ginagawa mo,” saad ni Vic.

Pagbibisto ni Oyo Sotto, “Si Maine ang pinakamakulit. Akala mo hindi.”
Isang simpleng selebrasyon ang naganap sa set sa anibersaryo ng programa. At marami raw twists, surpresa at psabog ang mapapanood sa programa.

Of course, waiting ang viewers na maging guest ulit sa sitcom si Alden Richards, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *