Marian, Heart, Jennylyn pantasya ni Richard Yap

Hindi itinanggi ni Richard Yap na bukod sa GMA-7 kunsaan ay pumirma na siya ng kontrata bilang bagong Kapuso at talent ng GMA Artist Center, may iba pa siyang mga offer na natanggap from other network.

The post Marian, Heart, Jennylyn pantasya ni Richard Yap first appeared on Abante.

marian heart jennylyn pantasya ni richard yap - Marian, Heart, Jennylyn pantasya ni Richard Yap
abante richard yap 1 - Marian, Heart, Jennylyn pantasya ni Richard Yap

FINAL columnists ANSABE Rose Garcia 2 300x180 - Marian, Heart, Jennylyn pantasya ni Richard YapHindi itinanggi ni Richard Yap na bukod sa GMA-7 kunsaan ay pumirma na siya ng kontrata bilang bagong Kapuso at talent ng GMA Artist Center, may iba pa siyang mga offer na natanggap from other network.

Nagustuhan namin ang pagiging straightforward ni Richard at the same time, hindi maikakailang businessman nga siya pagdating sa kanyang mga desisyon.

Nang tanungin kasi ito kung bakit GMA ang pinili niya after na mag-shutdown ang kanyang former network at hindi siya tumulad sa ibang mga dati niyang kasamahang Kapamilya na either nanatiling Kapamilya at iba naman, nasa TV5.

Ang pagiging established na raw ng GMA-7 ang una niyang dahilan.

“GMA has been there for a long time. And they’ve been doing a lot of shows for a long time. Of course, I will choose the more established network and I think, that’s the main reason for us to choose GMA over other networks.”

Ayon din dito, may 2-3 offers daw siyang natanggap sa iba’t ibang network. Pero ang piliin na raw ang GMA-7 para rito ang easiest choice.

“The other were just starting out, the others were doing blocktimer. And GMA was doing everything by themselves.”

Hindi naman maikakaila na nakilala at sumikat si Richard sa kanyang former network. In fact, aside sa totoong pangalan niya, mas kilala pa rin siya ng tao bilang si “Sir Chief.”

Kaya tinanong namin ito kung sa naging desisyon niya na lumipat, may mga pamba-bash ba siyang natatanggap?

Pero masaya niyang sagot, “I think, most of the comments na nakuha ko, mga 90% siguro positive. There are few lang na ayaw nila na lumipat ako. Pero usually, sa mga fans yun because of the loveteam.

“But mostly, positive comments.”

Ang mga prime actresses ng Kapuso tulad nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Jennylyn Mercado at Solenn Heussaff ang ilan sa wini-wish ni Richard na makasama at maging leading lady ngayong isa na siyang Kapuso.

Anne, Dahlia tutulong sa kabataan

Kahit na wala sa bansa at simula nang manganak ay nananatiling nasa Melbourne, Australia si Anne Curtis kasama ang kanyang Mister na si Erwann Heusaff at ang kanilang anak na si Dahlia, hindi ito naging hadlang para maka-score pa rin si Anne ng endorsement.

This time, hindi na lang si Anne, kasama na ang kanyang unica hija na si Dahlia. Winelcome si Anne ng Kimberly Clark Huggies diapers bilang bagong celebrity endorsers.

Posibleng ang for good cause na paandar ng brand ang isa sa nagpa-oo kay Anne para maging first endorsement ito ng anak. Magsisilbing Secret sANNEta sina Anne at Dahlia ReinDEAR ng mga magpa-purchase ng diapers ngayong Kapaskuhan.

Bawat purchase ng Huggies Dry Pants sa Lazada, tatapatan ito ng Secret sANNEta gift pack at tatapatan pa rin ng brand at ni Anne ng same amount donation sa Dream Machine. As we all know, ang Dream Machine ang platform na itinayo ni Anne para makatulong lalo na sa mga kabataan.

The post Marian, Heart, Jennylyn pantasya ni Richard Yap first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *