Marian dinudumog ng mga endorsement

May hinala talaga kami na kung magkakaroon ng research, posibleng ang Kapuso Primetime Queen siguro ang “Reyna” ngayon sa mga artistang babae in-terms of endorsements.

marian dinudumog ng mga endorsement - Marian dinudumog ng mga endorsement
marian 5 - Marian dinudumog ng mga endorsement

May hinala talaga kami na kung magkakaroon ng research, posibleng ang Kapuso Primetime Queen siguro ang “Reyna” ngayon sa mga artistang babae in-terms of endorsements.

Bukod sa mga existing, nag-renew at mga bagong produkto at kumpanyang ine-endorso niya na last two weeks lang nga ay magkasunod pa ang launching, hindi pa lang puwedeng isulat pero balita namin, tatlo na ang nakakasa sa mga susunod na linggo at buwan na mga bagong products na siya ang nakuhang celebrity endorser.

Kaya aminin man talaga ni Marian, kahit na Tadhana pa lang ang binabalikan niya among her shows, e, napaka-visible pa rin niya and for sure, mas malaking milyones ang kinikita niya with endorsements alone, huh!

Napapa- “shhh…” na natatawa si Marian kapag hinihiritan namin siya tungkol dito. Anyway, kung tutuusin, ang beautiful Dantes family nila ay may endorsements talaga. Si Ziggy na lang ang wala na ayon kay Marian, hayaan naman daw na mag-six months man lang ito.

Si Zia ay may lalabas din na endorsement na kasama siya. At alam daw ng anak nila ni Dingdong na may natatanggap itong talent fee sa mga ginagawa.

Sey pa ni Marian, “Alam niya, dapat alam niya,” lahad ni Marian.

“Kasi, kahit noon pa lang, sinasabi ko sa kanya kapag may binibili akong isang bagay sa kanya na pinagta-trabahuhan ko, pinaghihirapan ko siya kaya dapat alagaan niya.”

Dugtong pa ni Marian, “Tinatanong din namin si Zia kung gusto niya. Bago namin tanggapin ang isang produkto, tinatanong namin siya. Puwede ka ba? Gusto mo ‘to? Kasi, nakakasalita naman na siya, nakaka-decide na siya.

“Sabi niya, yes mama, gusto ko ‘yan. So okay, gawin natin. Kapag ayaw, eh, ‘di ‘wag.”

Sa bonggang soft opening at blessing ng flagship store at ika-88th branch ng Beautederm sa Marquee Mall, Angeles City namin nakausap si Marian. Si Marian ang celebrity endorser ng Beautederm Home at si Marian, along with Beautederm owner na si Ms. Rhea Anicote-Tan ang ilan sa nag-cut ng ribbon.

Mga exquisite lines of home scents ang Beautederm Home na ayon pa kay Marian, magkakaroon na rin ng diffuser. At kung ang ibang ambassadors ng Beautederm, sa sobrang bilib din sa produktong ine-endorso nila ay ginagawa na itong negosyo, sabi ni Marian, ang mommy raw ni Marian sa Cavite ang nag-franchise at magbubukas na next month.

Actually, puwedeng-puwede rin na buong Dantes family, kasama sina Zia at Ziggy ay mag-endorse ng Beautederm Home.

Pero natatawang sagot ni Marian, “Oo, puwede, pero hayaan niyo na, kami na lang munang magulang nila ang mag-trabaho para sa kanila.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *