Marian, Dingdong super tamis ng harutan sa Bohol

Marian, Dingdong super tamis ng harutan sa Bohol

“Tamis tamisan sa Bohol…”

marian dingdong super tamis ng harutan sa bohol - Marian, Dingdong super tamis ng harutan sa Bohol
ing dong dantes - Marian, Dingdong super tamis ng harutan sa Bohol

Dondon Sermino Paistaran 39 336x224 - Marian, Dingdong super tamis ng harutan sa Bohol“Tamis tamisan sa Bohol…”

‘Yan ang simpleng caption ni Marian Rivera sa Instagram photo nila ni Dingdong Dantes na obyus na naghaharutan, naglalambingan, ha!

Para nga silang mga dalaga at binata na ngayon lang nagkakilala, o tipong nagliligawan pa lang, na sabik na sabik pang mahawakan, mahalikan ang isa’t isa.

Siyempre, super kilig ang mga fan nila, dahil oo nga naman, iba rin ang hatid na good vibes ng lambingan nina Marian at Dingdong. Sa panahon ngayon na halos lahat ng mga artista ay nagpu-post ng kanilang lambingan moment, pero ramdam mong pang-fan lang, o panghakot ng follower lang nila, iba pa rin ang dating kapag totoong-totoo ang kaligayahan.

‘Yun lang, baka raw may ‘nabuo’ na naman sa ilang araw na paglalambingan na ito nina Marian at Dingdong, at baka sa February 2020 ay may ia-announce na naman si Marian, ha!

Well, ang sabi ni Marian, handa na siyang magbalik trabaho, lalo na sa 2020. Siguro naman, pagbibigyan muna niya ang mga fan niya bago siya muli sumabak sa panibagong pagbubuntis.

At yes, ngayon pa nga lang nila nai-enjoy si Baby Ziggy, ‘di ba? So, enjoy-enjoy na lang muna!

Vice Ganda matapang sa lambingan kay Ion

Speaking of lambingan, matapang na nga si Vice Ganda na ilantad ang sitwasyon nila ni Ion Perez. Marami nga ang bumibilib sa tapang din ni Ion, na mamarkahan siya bilang dyowa ni Vice.

“You start being happy the moment you stop giving a shit!” nga ang sabi ni Vice Ganda, na agree naman ang mga kasamahan niyang artista.

Super sweet nga nina Vice at Ion sa latest photo nila na naglalakad sa napakagandang kalsada sa Japan, magka-face to face, at tawa nang tawa.

Ang gandang pagmasdan, at kikiligin ka nga talaga, at makakalimutan mo na, teka lang, oo nga pala, hindi pala babae si Vice.

Well, sabi nga ni Vice sa presscon ng “Showtime” noon, kaya niya, karapatan niya, na ipakitang masaya siya sa piling ng dyowa niyang si Ion.

At yes pa rin, try mong basahin ang mga mensahe, halos lahat ay pabor sa relasyong ito ng dalawa. Lahat sila ay natutuwa, at nagwi-wish na sana ay magtagal sila.

Maja dedma na sa work, si Rambo ang priority

‘Sana oil!’ naman ang reaksyon ng mga netizen sa pakilig moment nina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa Instagram.

“Lovers in Paradise’ ang deskripsiyon ni Maja sa photo nila ni Rambo na nagkukulitan sa dagat sa Coron, Palawan.

Sana oil nga naman, na lahat ng babae ay mahanap na nila ang kanilang future lover, at maging masaya talaga sila.

Well, ramdam na nga na magbibilang na lang ng ilang taon, at sa kasal na rin mauuwi ang relasyon nina Maja at Rambo. Kitang-kita at feel na feel mo na kasi na sa tinagal-tagal na rin ni Maja sa showbiz, ngayon niya ini-enjoy nang husto ang pagbabakasyon, na oo nga, puwede mo ngang sabihin na medyo lay low na siya sa work, at priority na niya ang love life niya, ha!

Marami na nga ang nakaka-miss sa kanya sa “ASAP”. At marami ring naghahanap na sa kanya sa pelikula.

Well…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *