Marian, Dingdong puring-puri ng mga kasambahay

Nasa ika-anim na series na ang at home video ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa kanilang ine-endorsong brand.

The post Marian, Dingdong puring-puri ng mga kasambahay first appeared on Abante.

marian dingdong puring puri ng mga kasambahay - Marian, Dingdong puring-puri ng mga kasambahay
Dingdong x Marian - Marian, Dingdong puring-puri ng mga kasambahay

Nasa ika-anim na series na ang at home video ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa kanilang ine-endorsong brand.

Ang mga kasambahay na tatlo pa rin ang bida ng kanilang video. Usually kasi, meron silang pa-Christmas party sa mga kasambahay nila, kabilang ang driver nila na si Kuya Jun, Driver ito ni Dingdong for 17 years na.

Dahil nga sa pandemic, iniba nila ang style ng kanilang pa-Christmas party sa mga ito. Nagpa-games sila na ang mga naging premyo ay isang bike at dalawang laptop. At sa huli, bonus na iba’t ibang items na pwede nilang pagsimulan ng sari-sari stores.

Isa lang ito sa paraan nila ng pagpapasalamat sa mga nakakatulong nga naman nila sa araw-araw. Halos iisa rin ang comment ng tatlo kina Dingdong at Marian. Mababait na amo raw ang mga ito at kung hindi, sigurado nga naman na hindi sila magtatagal.

Si Marian din daw, kung paano ito magsalita, pareho lang din sa kung paano sila kausapin. (Rose Garcia)

The post Marian, Dingdong puring-puri ng mga kasambahay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *