Marian ‘di kayang magpaseksi, makipaglampungan ala-Anne

Hindi naman itinanggi ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na nami-miss din niya ang pag-arte sa pelikula. Nang tanungin tungkol dito, natatawang sabi niya, “Tanong natin kay Mother.”

marian di kayang magpaseksi makipaglampungan ala anne - Marian ‘di kayang magpaseksi, makipaglampungan ala-Anne
marian 3 - Marian ‘di kayang magpaseksi, makipaglampungan ala-Anne

Rose Garcia Annyeong 1 336x224 - Marian ‘di kayang magpaseksi, makipaglampungan ala-AnneHindi naman itinanggi ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na nami-miss din niya ang pag-arte sa pelikula. Nang tanungin tungkol dito, natatawang sabi niya, “Tanong natin kay Mother.”

Ang mister niya na si Dingdong Dantes ay kung ilang beses na nakagawa sa ibang film outfit tulad ng Star Cinema. Siya kaya, puwede rin, tulad sa Star Cinema?

“Puwede naman, hindi naman ano si Mother. At saka, dapat meron talaga, kaso nabuntis ako.”

Ito ‘yung horror movie na dapat ay gagawin niya last year, kaya lang ay nabuntis siya sa ikalawang anak na si Ziggy.

Sa isang banda, mabilis na, “hindi ko kaya” nang sabihin kay Marian na uso na naman ngayon ang medyo daring movies tulad ng ginawa ni Anne Curtis sa “Just A Stranger”.

“Hindi ko kaya,” sabi nga niya.

“Kanya-kanya ‘yan. Ako, medyo hindi ko kakayanin at ayoko rin siyang gawin bilang dalawa ‘yung anak ko.

“Ayokong mapanood niya na magiging ganu’n ako. Siguro hindi pa ako handa sa ganu’n. Siguro kung dati siguro.”

Kahit nga raw kissing scene, ito na mismo ang natatawang nagsabi na, “Si Dong na lang!”

Sa isang banda, kahapon nga ay hudyat na ng pagbabalik ni Marian sa telebisyon pagkatapos niyang manganak. Kasabay ng pagdiriwang ng ikalawang taong anibersaryo ng isa sa pinaka-espesyal na show para kay Marian, ang award-winning GMA News & Public Affairs show na “Tadhana”.

Month-long celebration ang mapapanood ng mga taga-subaybay ng “Tadhana” tuwing 3:15 pm ng Sabado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *