Marian bet maging ‘kontrabida’ ni Zia

Nanghinayang si Marian Rivera nang malaman na hindi na nga matutuloy ang Darna ni Jane de Leon. Sabi pa niya, “Sino pa ba ang huling nag-Darna? Ako ba? Sayang naman… siguro itutuloy pa rin ‘yan, hindi lang sa ngayon.”

The post Marian bet maging ‘kontrabida’ ni Zia first appeared on Abante.

marian bet maging kontrabida ni zia - Marian bet maging ‘kontrabida’ ni Zia
Marian - Marian bet maging ‘kontrabida’ ni Zia

Nanghinayang si Marian Rivera nang malaman na hindi na nga matutuloy ang Darna ni Jane de Leon. Sabi pa niya, “Sino pa ba ang huling nag-Darna? Ako ba? Sayang naman… siguro itutuloy pa rin ‘yan, hindi lang sa ngayon.”

Sinundutan na namin ito ng tanong kung ano naman ang masasabi niya na ang anak niyang si Zia Dantes ay sinasabi ng perfect future Darna nang maglabas siya ng picture ng anak na naka-Darna costume.

“Dyusko Day! After 20 years?! Baka yung Darna no’n, nipple na lang ang may takip. Hahaha!”

Pero ang tanong, papayagan ba niya ang anak na sumunod sa yapak niya bilang si Darna?

“Ay, yung tatay niya ang kausapin mo! Ako, kahit ano ako. Basta gusto ng anak ko, walang problema. Si Dong ang very sensitive pagdating kay Zia.”

Konserbatido raw si Dingdong. Kung sa kanya nga raw konserbatibo na, sa anak pa raw kaya.

Lahad pa ni Marian, “Eh, kahit naman sa akin, ‘di ba? Kapag naka-dress, kailangan naka-cycling! Sabi ko nga, ano ba ‘yan, kahit noong buntis ako, naka-dress ako, sabi ko, buntis ako, wala ng magnanasa sa akin. Mag-cycling ka.

“Dyusko day, buntis na ko, naka-cycling pa ko.”

Natatawa na lang si Marian na kung 20 years after pa bago maging Darna ang anak. Pero nag-suggest din ito na siya na raw si Valentina.

Pero mas natawa ito nang sabihan na siya ang magsasalin ng bato sa anak.

Aniya, “Dyusko day! Naka-bathing suit ako? Ay, dyusko day, ‘wag na! Tapos na ko diyan!” (Rose Garcia)

The post Marian bet maging ‘kontrabida’ ni Zia first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *