Marian ala-Darna, Marimar kina Dingdong, Zia, Ziggy

Mapa-teleserye o pelikula man, napakarami at iba’t ibang role na ang mga ginampanan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

The post Marian ala-Darna, Marimar kina Dingdong, Zia, Ziggy appeared first on Abante News Online.

marian ala darna marimar kina dingdong zia ziggy - Marian ala-Darna, Marimar kina Dingdong, Zia, Ziggy
ABANTE marian 2 - Marian ala-Darna, Marimar kina Dingdong, Zia, Ziggy

Super mom!
Ni: Rose Garcia

Mapa-teleserye o pelikula man, napakarami at iba’t ibang role na ang mga ginampanan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Naging si Marimar, Dyesebel at Darna.
Pero, sigurado kami, sa lahat ng mga character na nagampanan niya, ang pinaka-paborito at hindi mapapantayan ng kahit gaano pa kamahal na talent fee ay ang pagi ging isang butihing asawa at ina niya sa buhay ngayon.

Noon pa man, dalaga pa man ay hindi nagdadalawang-isip si Marian kapag tinatanong ito kung ano ang ultimate dream niya sa buhay – mabilis niyang isasagot, ang maging isang ina.

Siguro nga, lalo na sa mga hindi nakakakilala nang lubusan sa isang Marian Rivera, madali na batuhin siya ng negatibo lalo na sa madalas ay pagiging prangka at totoo niya, pero sigurado kami – walang maibabato sa kanya pagdating sa pagiging isang ina.

Kung gaano ka-maasikaso, ka-hands-on si Marian pagdating sa mga anak. Ilang beses na namin na-witness na nagmamadali ito pagkatapos na pagkatapos ng trabaho niya para makauwi at maala-gaan na ang anak.

Kung may ibang artista na halos pinipigilan na mabuntis dahil sa takot na pansamantalang mawala sa showbiz, ito ang kaibahan ni Marian – a superstar and yet, alam niyang ang prayoridad niya ay ang pagiging isang asawa at ina.

Bilang Mommy, ginawaran din si Marianng Breastfeeding Influencer and Advocate Award by the Mother and Child Nurses Association of the Philippines.

Bilang isang artista, isa siyang Reyna. Bilang isang Nanay, “Best Mommy” siyang talaga.

***
Zia, Ziggy sagot sa mga dasal

Pangarap at dasal lang dati para kay Marian ang magkaroon ng mga anak. At ang dasal niyang ito ay talaga namang nagkaroon ito ng kasagutan.
Pagkatapos ng mahigit tatlong taon simula nang ikinasal sina Marian at Dingdong Dantes, heto’t talagang masasabi na kumpleto na ang Dantes Squad.
Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ni Marian kung paanong parehong answered prayer sa kanila ang mga anak.
Sinabi ni Marian noon na pinaka-rewarding daw sa pagiging isang ina niya kay Zia pa lang ay sa tuwing sinasabi nito na mahal na mahal siya.
“Pag palagi niyang sinasabi na ‘you know what Mama, I love you so much and I want you to be happy.’ At hindi ako magsasawang turuan siya araw-araw at i-remind siya kung gaano natin siya kamahal.
“Eto talaga ang dream come true ko, ang maging isang nanay, at tinupad niya ‘yun.”
Nang ipanganak naman ni Marian si Ziggy o si Jose Sixto IV, muli nitong sinabi na answered prayer naman sa kanila ang magkaroon ng baby boy.
Aniya, “Ang magkaroon ng isa pang lalaking anak ay sagot sa aming mga dasal, kaya nag-uumapaw ang aking puso sa biyayang ito.”

***

Yan-Yan cool nanay, hindi palasaway

Bilang mommy, hindi raw siya ‘yung klase ng nanay na pala-ging naka-saway o nang-aawat sa gustong gawin ng anak. Kung gusto raw nitong maglaro sa labas o maglikot, hinahayaan lang daw niya si Zia.
Makikita naman din ito base sa ilang Instagram stories na isini-share ni Marian sa kanyang account.
Although, isa rin si Zia sa mapalad na bata na sa bahay at sa bakuran nila, meron nga itong little house na nagsisilbing play house niya.
“Kasi may mga times na ang likot ng anak mo. Natatawa ‘ko minsan may field trip kami, nakikita ko ‘yung ibang nanay na, ‘oh my gosh!’ Naku, sabi ko talaga, ayokong maging ganyang nanay. Kapag malikot ang anak ko, eh ‘di malikot.
“Tatanungin ko pa, ‘where do you want to go?’ Kasi, the more na inaawat mo, pinapagalitan mo, e, wala namang ginagawang masama. So mas maganda na nasasabayan mo siya as long as wala naman siyang ginagawang masama, ‘di ba?”

***

Pahinga muna
sa pagbubuntis

Kamakailan lang ay nakapanayam ng Sunday comedy show na “Sunday PinaSaya” si Marian sa pamamagitan ng telepono.
Ito ang kauna-unahan at nag-iisang interview ni Marian simula nang manganak siya kay Ziggy noong April 16.
Katulad ni Zia, litaw na litaw na rin ang kaguwapuhan ni baby Ziggy.
“Siyempre, mana sa tatay,” ang may pagmamamalaking paha-yag naman ni Marian.
Sanay ang mga tao na nakikita sina Marian at Zia na twinning. ‘Yung pareho halos ang suot na damit at sapatos.
Ngayong baby boy naman ang ikalawang anak nila na si Ziggy, makiki-twinning din daw kaya ito kay Dingdong?
“Palagay ko, magte-terno pero helmet ang gagamitin!”
Mula sa isang dosenang anak, hanggang sa naging apat ang madalas sabihin ni Marian na gusto niyang maging bilang ng mga anak nila ni Dingdong.
Pero ngayon, nang tanungin ito sa SPS kung susundan pa raw ba nila ang kanilang baby girl at baby boy, biglang, “Naku, we’ll see,” na ang sagot niya.
“Ngayong itong dalawa pa lang sa bahay e, medyo mainit na, kapag dinagdagan ko pa e, hihinga muna ko.”
Ayon pa kay Marian, “Nagpapasalamat ako sa lahat ng nagmamahal sa pamilya namin, nagdasal na mairaos ko nang maayos si Ziggy.
“Huwag kayong mag-alala, papahinga lang ako and alam niyo naman, kailangan ko munang isulit itong aking bunso bago ako bumalik ng ‘Sunday PinaSaya.’”

The post Marian ala-Darna, Marimar kina Dingdong, Zia, Ziggy appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *