Marco nangutang ng datung sa girl fan

Kaaliw ‘yung ginawang prank ni Marco Gumabao sa isang fan na babae, na inutangan niya ng P100, ha!

marco nangutang ng datung sa girl fan - Marco nangutang ng datung sa girl fan
ABANTE marco 1 - Marco nangutang ng datung sa girl fan

Kaaliw ‘yung ginawang prank ni Marco Gumabao sa isang fan na babae, na inutangan niya ng P100, ha!

Tinawagan nga ni Marco ang isang girl para hiraman ng datung. Heto nga ang ibang bahagi ng chikahan nila:

“Hello puwede ba akong mangutang ng P100 sa’yo?” sabi ni Marco.
“Oo naman, kahit P1 million pa,” sabi ng girl.

Iginiit ng girl na siya na lang ang maghahatid ng P100 kay Marco mismo sa kung nasaan ito ngayon.

“Sige, hintayin kita. Nasa La Union ako ngayon,” sabi ni Marco.
“Ang layo naman!” reaksyon ng girl.

Nag-suggest ang girl na ‘fund transfer’ na lang ang gawin.

“Sige puwede naman,” sambit ni Marco.

“Ang gwapo ng boses mo sobra,” saad ng girl.

“Oh my God. Hindi ako makapaniwala!” hirit pa ng girl.

Niyaya na rin ni Marco ng date ang girl.

“Nood tayo ng movie. ‘Just a Stranger’. Pero baka may magselos sa iyo?” sabi ni Marco sa girl.

“Wala akong boyfriend!” madiin na sabi ng girl.

Kaloka, ‘di ba? Nagbabago ang ugali, tono ng boses ng isang girl kapag kausap nila ang crush na crush nilang lalaki, lalo na kung artista pa.
Kaaliw! (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *