Marco Gumabao baklang-bakla sa magazine

Mula sa pagiging hunk at pinagpapantasyahan ng mga babae at bakla sa
pelikulang “Just A Stranger” ginawa namang bading ang Los Bastardos actor sa pictorial nito sa isang magazine.

marco gumabao baklang bakla sa magazine - Marco Gumabao baklang-bakla sa magazine
marco 6 - Marco Gumabao baklang-bakla sa magazine

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 336x224 - Marco Gumabao baklang-bakla sa magazineMula sa pagiging hunk at pinagpapantasyahan ng mga babae at bakla sa
pelikulang “Just A Stranger” ginawa namang bading ang Los Bastardos actor sa pictorial nito sa isang magazine.

Nakaposte sa Instagram wall ni Marco ang ilang shot mula sa Young Star
Philippines. Makikita sa mga sample ng shots nito ang iba’t ibang itsura ni Marco na naka-eye shadow, blush-on.

May isang shot kung saan nilagyan pa ng dangling earrings ang kanyang tenga.

Pinangalan ni Marco ang sarili bilang si Jerica.

Sa caption, sinabi ni Marco na nagamit niya ang mga babae sa pamilya niya para lumabas ang kanyang feminine side, kabilang na ang beauty queen sister nyang si Michelle Gumabao.

Mahirap ang shoot pero nag-enjoy raw si Marco sa ipinagawa sa kanya. Alam ni Marco na uulanin siya ng kantyaw ng kanyang mga kaibigan kaya nag-imbita na siya ng mga itong mag-trip sa kanyang gay photo shoot.

Solenn, Nico babae ang unang anak

Babae ang magiging first baby nina Solenn Heusaff at Nico Bolzico. Ibinunyag ito ni Nico sa kanyang Instagram kahit na may usapan sila ni Solenn na ibabahagi lang nila ang gender ng kanilang anak hanggang sa maisilang ito.

Pero dahil maraming kundisyones si Nico sa nakikita niyang magiging sitwasyon ng bebe girl nya, kaya ngayon pa lang nag-warning na siya sa mga future suitor nito.

Nakakaaliw ang hubby ni Solenn dahil ipinalagay na niya agad na dadagsa ang
manliligawan ng anak niya pag nagdalaga na ito. Nagbabala na siya sa mga
kaibigan na kailangang sumunod sa patakaran niya at sa naiisip na challenge
para sa mga anak nila na nagnanais na ligawan ang bebe girl nya.

Ibinase ni Nico ang naiisip na challenge sa Argentina na kailangang pagdaanan ng mga suitor ng bebe girl nya, bago niya tanggapin ang panliligaw ng mga ito.

Ryza nakipagbugbugan sa 10 lalaki

Pagkatapos ni Cristine Reyes, si Ryza Cenon naman ang hinuhubog ngayon ng
Viva para maging action star. Na-inspire yata ang Viva sa character ni Ryza sa The General’s Daughter kaya isang action series ang ibibigay rito na mapapanood sa cable channel.

Naka-post sa Instagram ni Ryza ang training video niya sa fight scene na gagawin sa bagong project. Sampung lalaki ang kalaban ni Ryza sa training na pawang may hawak na kahoy. Sa routine, isa-isang pinabagsak ito ni Ryza sa choreograph fight scene nila.

May bagong ‘anak’: Claudine kinumpara kay Angelina Jolie

May bago na namang ampon si Claudine Barretto at ito ay isang batang lalake na pinangalanan niyang Noah Joaquin. Naka-post sa Instagram ni Claudine ang
sanggol na yakap-yakap niya.

Ipinakilala ni Claudine sa social media ang adopted child niya na itinuturing niyang regalo ng Diyos. Sabi ni Claudine kinumpleto ng bata ang pagiging ina niya.

“Meet my Noah Joaquin my Palanggas. Truly God’s gift. I am now complete as a mother. I’m so BLESSED BEYOND WORDS! We praise you Lord, Abba Father,”
sabi ni Claudine.

Pangarap na natupad ang pagdating sa buhay ni Claudine ng bata. Dalawa na
ngayon ang kanyang anak na lalaki, ang biological son niya sa dating asawa na si Raymart Santiago, at ang bunso niyang si Noah Joaquin ngayon.

Bale tatlo na ang ampon ni Claudine. Una si Sabina, kasunod si Quia at ngayon ay si Noah. Dahil dito mas lalong hinangaan ang kabutihan ng puso ni Claudine, na itinuturing ng kanyang mga fan na Pinay version ng Hollywood actress na si Angelina Jolie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *