Marcelito Pomoy namudmod ng karne, bigas

Ang bongga rin talaga ni Marcelito Pomoy. Marunong magbigay ng biyaya sa kapwa.

The post Marcelito Pomoy namudmod ng karne, bigas first appeared on Abante.

marcelito pomoy namudmod ng karne bigas - Marcelito Pomoy namudmod ng karne, bigas
marcelino - Marcelito Pomoy namudmod ng karne, bigas

Ang bongga rin talaga ni Marcelito Pomoy. Marunong magbigay ng biyaya sa kapwa.

Kung noon ay isang matanda ang sinorpresa niya na pinaayos niya ang bahay, binigyan ng kagamitan, ngayong kaarawan nila ng misis niya, marami pa rin siyang biniyayaan, ha!

Ang eksena ni Pomoy, sa halip na magluto ng marami, maghanda, at mag-imbita ng mga kaibigan, na magiging problema pa dahil sa ‘mass gathering’ isyu, mas ginusto niya na mamigay na lang ng mga pagkain sa kapwa.

“Sabi ko noon ititigil ko na muna ang pagbibigay ng tulong, pero hindi ko pala kaya. Nakagawian ko na talaga ang ganito, na magbigay ng tulong sa mga mas nangangailangan.

“Actually, hindi lang naman tuwing birthday. Kahit walang okasyon, dapat magbigay tayo,” sabi niya.

Ang bongga ng na may mga binalot na 2 kilo ng karne, may kasamang mga rekado tulad ng patatas, suka, bawang, sibuyas, at siyempre may bigas. Kumbaga, iluluto na lang ng mga bibigyan, at sigurado na ang masarap na pagkain sa lamesa nila.

Makikita nga sa YouTube channel ni Marcelito Pomoy ang mga tao na sumadya sa bahay nila para kunin ang biyaya.

“Salamat sa Diyos sa opportunity at blessing na ibinibigay sa akin. Sana sa susunod ulit,” sabi ni Pomoy n a ang tunay na kaarawan ay noong Setyembre pa. (Dondon Sermino)

The post Marcelito Pomoy namudmod ng karne, bigas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *