Mar Roxas bawal lumapit kina Korina, Pepe, Pilar

Pansamantalang hindi muna malalapitan ni Mar Roxas ang kanyang kambal na anak na sina Pepe at Pilar, ayon na rin sa misis niyang si Korina Sanches.

The post Mar Roxas bawal lumapit kina Korina, Pepe, Pilar first appeared on Abante.

mar roxas bawal lumapit kina korina pepe pilar - Mar Roxas bawal lumapit kina Korina, Pepe, Pilar
Korina Sanches - Mar Roxas bawal lumapit kina Korina, Pepe, Pilar

Rey pumalopy 8 300x200 - Mar Roxas bawal lumapit kina Korina, Pepe, PilarPansamantalang hindi muna malalapitan ni Mar Roxas ang kanyang kambal na anak na sina Pepe at Pilar, ayon na rin sa misis niyang si Korina Sanches.

Ayon kay Korina, hindi napagkikita sa kanyang mga post si Mar dahil naka-quarantine ito.

“For those wondering where Pappi is…Siya naman ngayon ang naka- quarantine from me and the kids. He had to care for his mom in the hospital for a while. So now pabisi-bisita siya but can’t get in direct contact with any of us. It’s hard. This pandemic life with babies. At least one of us is always with the kids. His mom is fine. But it’ll take a bit before they swab and then tsaka palang puwedeng lumapit sa amin. The kids are longing to hug their Pappi. Best be safe than sorry, right?” sey ni Korina.

Awra nagpasilip ng wetpaks

Tuluy-tuloy ang pagbabadya ni Awra ng kabugan sa paseksihan sa mga hubadera ng social media. Hayun nga at muli siyang nagpasilip ng puwet.

Ibinalandra ni Awra sa Instagram ang larawan na lantad ang isang pisngi ng puwet. Side view ang anggulo. May photo rin siya na ang harap naman niya ang lantad.

Well, ipinangalandakan nga ni Awra na 2.3 million na ang kanyang mga follower sa Instagram.

At yes, kinunsinti, sinuportahan si Awra ng mga taga-showbiz tulad nina Carlo Aquino, Barbie Imperial, Sue Ramirez, Elijah Canlas.

Rufa Mae ‘di naghihirap

Habang marami sa mga artista ang tigil muna sa kanilang mga kapritso, si Rufa Mae Quinto naman ay parang hindi nauubusan ng pera. Pinoste ni Rufa Mae sa Instagram ang ilang bahagi ng bahay na ipinapagawa niya.

Nasa US pa rin si Rufa Mae ngayon, pero nagparamdam na siya nang pagbalik sa Pilipinas. At ang naturang bahay raw ang titirhan nila ng anak na si Alexandria kapag nakabalik na sila sa bansa.

Sey pa niya, kahit nasa US siya, hindi raw natigil ang pagpapagawa niya ng bagong bahay.

Matatapos na raw ang ipinapagawa niyang bahay na tamang-tama sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas. Katas ng kanyang dugo at pawis ang ginastos niya sa bahay.

***

Alessandra nilagyan ng mga gulay ang Hermes bag

Kakaibang trip na naman ang pinoste ni Alessandra de Rossi sa Instagram, na ikinaloka ng mga follower niya. Ipinakita ni Alex ang pag-ani niya ng mga gulay sa kanyang garden.

Makikita na may hawak siyang mga upo, talong, celery. Pero ang nakakaloka ay nakalagay `yon sa Hermes bag. Ang naturang bag ay nagkakahalaga ng halos kalahating milyon.

Nagpaandar ng joke si Alex sa post niya, pero nilinaw niyang hindi sa kanya ang bag. Paga-ari raw ito ng bisita niya na sumakay lang sa kanyang trip.

Sabi pa ni Alex, baka raw fake ang naturang bag, kaya pumayag ang mag-ari na lagyan niya ito ng mga gulay.

The post Mar Roxas bawal lumapit kina Korina, Pepe, Pilar first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *