Mangmang sa wikang Filipino mas dadami

Isa sa mga dumarami na hindi natuwa sa desisyon ng Korte Suprema na tanggalin na ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa mga kolehiyo sa bansa ay ang veteran actress na si Bibeth Orteza.

The post Mangmang sa wikang Filipino mas dadami appeared first on Abante News Online.

mangmang sa wikang filipino mas dadami - Mangmang sa wikang Filipino mas dadami
bibeth - Mangmang sa wikang Filipino mas dadami

Isa sa mga dumarami na hindi natuwa sa desisyon ng Korte Suprema na tanggalin na ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa mga kolehiyo sa bansa ay ang veteran actress na si Bibeth Orteza.

Ipinunto ni Bibeth na kung sa ngayon nga ay marami nang mangmang at hindi mulat sa tamang paggamit ng pambansang wika na Filipino, ‘di hamak na mas lalala pa ito.

“Hindi ‘nalang.’ ‘Na lang.’ Hindi ‘muka.’ ‘Mukha.’

“Higit pang lalala ang katangahan sa pagbaybay ng Wikang Filipino, salamat sa Korte Suprema. Siguradong nagmumura ngayon si Balagtas,” ayon sa aktres sa Facebook post ng Concerned Artist of the Philippines.

Si Francisco Balagtas ay kila-lang manunulat ng literaturang Filipino, lalo na sa “Florante at Laura.” Sa kanya rin nagmula ang tinatawag nating ‘Balagtasan’ kung saan nagtatagisan ng galing sa paggamit ng wikang Tagalog o Filipino, mas malalim at matalinhaga, mas mahusay ka.

Ilan pa sa nagpahayag ng pagkadismaya sina Dr. Bienvenido Lumbera, Jun Cruz Reyes at Dr. Roland Tolentino.

Isa pa sa pumalag via Twitter ang aktor at bihasa sa spoken word poetry na si Juan Miguel Severo.

Sa kontrobersyal na desisyon na ito ng Korte Suprema, tiyak na bababa ang popularity nito sa mga totoong nagmamahal sa bayan at sa pambansang wika na Filipino. (Jun Lopez)

The post Mangmang sa wikang Filipino mas dadami appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *