‘Mamamatay na ba ako?’ Andrea natatakot sa tagumpay

Bata pa lang ay nakilala at nagbida na si Andrea Brillantes sa pamamagitan ng t­eleseryeng “Anna Liza”. Hindi maikakaila na may pagkakataon na nasubok na rin siya sa batang edad, pero kahit bata pa, ipinakita ni Andrea ang katatagan niya.

mamamatay na ba ako andrea natatakot sa tagumpay - ‘Mamamatay na ba ako?’ Andrea natatakot sa tagumpay
andrea brillantes - ‘Mamamatay na ba ako?’ Andrea natatakot sa tagumpay

Ni: Rose Garcia

Bata pa lang ay nakilala at nagbida na si Andrea Brillantes sa pamamagitan ng t­eleseryeng “Anna Liza”. Hindi maikakaila na may pagkakataon na nasubok na rin siya sa batang edad, pero kahit bata pa, ipinakita ni Andrea ang katatagan niya.

Sa ngayon, sunod-sunod halos ang mga blessing na natatanggap ng Kapamil-ya teenstar, simula halos nang mag-hit ang Kadenang Ginto at makilala rin siya bilang si Marga.

“To be honest, ‘yung sinabi ko talaga kay Lord, thank you. Pero natatakot ako kasi ang dami mong binibigay. Mamamatay na ba ko?” natawang sagot ni Andrea.

Sabi pa niya, “Parang it’s too good to be true. Pero parang ilang years ago, lahat ng meron ako ngayon, pinagdasal ko talaga at pinaghirapan ko talaga na makarating ako dito ngayon.

“Alam ‘yun ng family ko kung paano ko naghirap. Ang dami kong breakdown sa CR, sa CR ng ABS. Ang dami ko talagang pinagdaanan. Kaya ngayon, bawat blessing, tsine-cherish ko talaga at sobrang nagpapasalamat ako kay Lord kung ano ang meron ako ngayon.
“At palagi kong sinasabi na hindi ko pababayaan at mas lalo ko pang gagalingan. Kaya nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagmamahal sa akin at sumusuporta sa akin ngayon.”

‘Laking squatter ako’

Natatawa na lang si Andrea dahil iniisip daw ng karamihan na isa siyang “rich kid”. Pero kabaligtaran daw ito.

“Actually, lumaki po ako sa squatter’s area. Makikita mo lang ako sa kalsada na nakikipag-laro kung kani-kanino.”

Sabi pa niya, “Nagkukuwelyo pa ‘ko sa mga lalaki dati. Umaakyat ako sa mga puno. Noong one time na hindi namin makita ang keys namin, ang susi sa padlock namin, inakyat ko ang gate namin.”

Nilarawan pa nito kung ano ang bahay o pamumuhay nila dati noong hindi pa siya nag-aartista.

“Dalawa ang ano namin, ‘yung sa isa sa bahay ng lola ko,’ yung isa sa Tatay, du’n naman, bundok ‘yun. Bababa pa kami para bumili ng ice scramble, pagsasama-samahin ang pera naming magkakapatid para mag-computer shop. Very basic lang ako, every Sunday, church, then, bibili ng ice cream, kwek-kwek, ‘yun lang.”

At ngayon nga, ang pangarap ni Andrea ay mabigyan na ng sariling bahay ang pamil-ya niya.

“Breadwinner po ako ng f­amily at lahat ng pinagtatrabahuhan ko, para sa amin. Para sa mga kapatid ko, mama ko, mga kailangang bayarin so hindi talaga ‘ko rich.

“Kaya wala po akong mga designers-designers, wala pa, wala pa ‘yan sa mga iniisip ko.”

Marga masaya
sa piling ni Mikoy

Hindi naman itinatanggi ni Andrea na masaya siya na biglang nabuo ang love team nila ni Seth Fedelin at tila n­akahanap na talaga ng partner para sa kanya.

“Masaya lang po talaga ako, ngayon po, mas kinikilala pa po namin ang isa’t isa,” lahad niya patungkol kay Seth.

Sa “Kadenang Ginto” ay “FQ” raw sila ni Seth bilang si Mikoy.
“F.Q. means friends quarrel,” natawang sabi niya.

“Hindi pa sila okay pero sana, balang-araw ay ma-realize ni Marga ang lahat ng effort na ginagawa ni Mikoy. And deserve niyang magkaroon ng kaibigan tulad ni Mikoy, pero hindi niya deserve si Mikoy, masyadong mabait si Mikoy, eh.”

Sa totoong buhay, ano na ang real score sa kanilang dalawa?
“In real life po, sa ngayon, mas malalim ang friendship namin. Mas nakikilala na namin ang sa-rili namin, ang isa’t isa.

“And masaya ‘ko na dumating siya sa life ko, na nakakilala ako ng isang katulad niya. Pero’ yung relationship, hindi pa.
“Siyempre, kailangang mag-focus pa sa work and bata pa kami. Kaka-17 pa lang niya, nag-start pa lang siya sa work and gusto kong marami pa siyang ma-spend at gusto kong matagal pa siyang makasama.”

Feeling Haponesa

Sa “Web’s Most Searched Questions sa YouTube ay sinagot ni Andrea ang ilang tanong sa kanya.

Kabilang na sa tinanong sa kanya ay kung ano ba talaga ang nationality niya.

Kilalang Anime fanatic ng Japan si Andrea kaya nagpi-fee-ling itong may dugong Hapon. Pero inamin niyang “feeling” lang daw siya. 1/4 Spanish sa father side at Pinoy na raw siya.

Ayon dito, “’Yung lahat po ng ito, ang namana ko sa Daddy ko,’ yung kulay
and ‘yung buhok. Kulot po kasi ako dati, Sto. Nino, ganu’ n po.

“Maaga ‘kong nag-artista, maagang na-exposed sa heat, sa plantsa-plantsa.”

Alagang laitin ng mga basher, hater
‘Ang liit mo, ang taba mo’

Sa mga teenstars ngayon, si Andrea ang may pinaka-maraming YouTube followers kunsaan meron siyang 1.8 million nito. Sa Instagram account naman niya ay meron siyang 6.1 million subscribers.

Isa si Andrea sa mga teenstars na napakalakas sa social media. Napakarami niyang followers pero kahit menor de edad pa rin, kakambal na rin yata ng pagiging exposed niya sa social media bilang isang millennial ang haters at bashers niya rin.

Ang ginagawa raw niya, hindi na lang niya binabasa.

“Hindi po ako nagbabasa,” sabi niya.

“’Yun nga po ang mahirap. Minsan, gusto ko ang ginagawa ko, ipaglalaban ko, alam ko naman na hindi ko mapi-please ang lahat ng tao. Alam ko na may kanya-kanya silang opinyon.

“Noong una, nakikinig ako sa kanila.

“Minsan, may point sila. Minsan, hindi naman sila basher, minsan nagri-reach out ako du’n pero du’n sa like, ‘ang pangit mo,’ ‘ang liit mo,’ ‘ang taba mo,’ wala na ‘kong magagawa ro’n.”

Pinagbibidahan naman ni Andrea ang pelikulang “The Ghosting” ng Reality Films kunsaan makakatambal niya si Khalil Ramos at ipalalabas na sa August 28, sa direksyon ni Joey de Guzman.

Horror film ito na sabi nga ni Andrea, talagang naging very challenging sa kanya.

Sa totoong buhay, ang mas kinatatakutan naman daw niya ay ang mawalan ng trabaho.

“’Yun po talaga ang super kinatatakutan ko. Kahit anong hirap ang gawin mo, kapag nagkamali ka or nadapa ka, ang bilis mawala agad.

“Ito pong trabaho na ito ang ginusto ko since I was three years old and bilang breadwinner, nakakatakot na mawalan ng trabaho.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *