Male star saksakan ng sama ang ugali

Attitude palang talaga ang male star ng isang network. Nasangkot na ito kamakailan lang sa isang malaking isyu, pero mukhang nakalimot na agad.

male star saksakan ng sama ang ugali - Male star saksakan ng sama ang ugali
abante male - Male star saksakan ng sama ang ugali

Attitude palang talaga ang male star ng isang network. Nasangkot na ito kamakailan lang sa isang malaking isyu, pero mukhang nakalimot na agad.

Nakalimot or natural na ang pagka-attitude ng male star?

Sa dressing room daw ng isang show ng network kunsaan regular mainstay si male star, nagulat ang ibang co-stars niya nang singhalan nito ang isang male guest.

Anak ng kilalang artista ang male guest at tina-try lang daw ang gamit na instrument. Nagulat daw ito, lalo na ang ibang cast nang biglang sabihan ng male star nang, “Can you please stop that?!”

Mabait ang male guest at hindi na nag-react. Pero hindi natiis ng isa sa cast na anak din ng kilalang celebrity couple ang kagaspangan ng ugali ng male star. Ito raw ang nagsabi sa handler na sabihan naman daw ang talent nito.

Anyway, kahit ‘yung handler pala na nagpapayo at concern lang kay male star kaya pinagsasabihan ito, pina-tsugi at pinapalitan ng iba.

Naku ‘no, mukhang palala pa ang attitude ni male star at ‘di dahil lasing lang kaya nangyari sa kanya ‘yung dating isyung kinasangkutan niya. (Rose Garcia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *