Male personality nauubo ‘pag hinihingan ng sustento

MAGANDANG-maganda na ang estado ng pamumuhay ngayon ng isang pamosong male personality. Totoong dumating siya sa puntong walang-wala nu’ng mga nakararaang taon, mga kaibigan niya ang nagraos sa kanyang mga pangangailangan, pero ngayon ay balik na naman sa mabiyayang buhay ang nagkakaedad nang lalaking personalidad.

male personality nauubo pag hinihingan ng sustento - Male personality nauubo ‘pag hinihingan ng sustento
actor 5 - Male personality nauubo ‘pag hinihingan ng sustento

Cristy Fermin No Thanks 336x224 - Male personality nauubo ‘pag hinihingan ng sustentoMAGANDANG-maganda na ang estado ng pamumuhay ngayon ng isang pamosong male personality. Totoong dumating siya sa puntong walang-wala nu’ng mga nakararaang taon, mga kaibigan niya ang nagraos sa kanyang mga pangangailangan, pero ngayon ay balik na naman sa mabiyayang buhay ang nagkakaedad nang lalaking personalidad.

Sa meron at sa wala ay pabaya sa kanyang mga obligasyon ang male personality, hindi siya nagbibigay ng sustento sa mga anak niya sa mga personalidad na naanakan niya, ganu’n siya kairesponsable.

Nagkaanak ang male personality na ito sa isang baguhang artista nu’ng kabataan pa nito, napakaganda ng naging anak nila, bukod pa sa matalino.

Kuwento ng aming source, “Natural lang na nami-miss ng bata ang father niya, kaya paminsan-minsan, e, tumatawag ang bagets. May mga pagkakataong hindi sinasagot ng aktor ang mga tawag niya, minsan naman, nagkakausap din sila.

“Pero bago magsalita ang father niya sa kabilang line, e, umuubo muna. Hinding-hindi nawawala sa eksena ang pag-ubo muna ng male personality kapag nagkakausap sila.

“Gustong iparamdam ng father na walang-wala siya, na inuubo nga siya, pero wala siyang pagpagamot. Biruan na nga ngayon ng partido ng girl ang palaging pag-ubo ng ex niya sa kabilang line.

“Magiging magaling daw na endorser ng cough syrup ang male personality dahil sa madalas niyang pag-ubo kapag kausap ang anak niya!

“E, minsan, napundi na rin ang anak sa tatay niya, kaya ang sabi ng bagets, ‘Papa, nangungumusta lang po ako sa inyo kapag tumatawag ako, hindi po ako manghihingi ng pera.’

“Kasi nga naman, e, nagkukunwaring maysakit ang father niya kapag nagkakausap sila, wala nang panahong hindi inuubo ang tatay niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Hindi na taghirap ngayon ang pamosong male personality, nakahanap na naman ang langgam ng bagong pagkukutaan na sagana sa pagkain at mga biyaya, nakadikit siya ngayon sa isang pulitikong pinagkakakitaan niya.

Arjo pinaiyak ang buong bayan

MARAMING aktor na pinakakain ng alikabok ngayon si Arjo Atayde. Ibang klase ang kanyang pagganap, wala siyang pakialam kung ano ang itsura niya sa harap ng mga camera, ibinibigay niya ang lahat-lahat.

Isang gabi ‘yun na si Arjo Atayde ang pinag-uusapan ng buong bayan dahil sa napakagaling niyang pag-arte sa The General’s Daughter. Nag-trending ang anak ni Sylvia Sanchez!

Eksena ‘yun nang mamatay ang kakikilala pa lang niyang ama, sa kanyang sitwasyon bilang special son ni Maricel Soriano sa serye ay nagpakita ng pag-arteng kapala-palakpak si Arjo, pinaiyak niya ang buong bayan sa walang pakialam niyang pag-arte bilang espesyal.

Tanong ng mga kaibigan namin, bakit ngayon lang daw nag-artista si Arjo, nasaan daw siya nu’ng teenager pa lang siya?

Malinaw ang usapan ni Arjo at ng kanyang mga magulang, kailangan muna niyang magkaroon ng diploma, ‘yun ang hiniling sa kanya nina Art at Sylvia.

Kapag nakapagtapos na siya sa kolehiyo ay malaya na siyang makapamimili ng linyang gusto niya, puwedeng-puwede siyang mamahala sa mga kompanya ng kanyang tatay, pero pag-aartista ang mas pinili ng binata.

At ngayon ay hinahangaan na si Arjo Atayde, maraming parangal na ang tinatanggap niya, pinupuri rin siya ng produksiyon at ng kanyang mga katrabaho dahil sa kanyang propesyonalismo.

Panalo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *