Mala-Bea-Lloydie sa husay : Alden, Kathryn nagpaulan ng luha, kilig

Hindi namin maipaliwanag ang nararamdaman namin after mapanood ang “Hello, Love, Goodbye”. Ngayon lang ulit kami naiyak, kinilig at natawa sa mga eksena sa pelikula.

mala bea lloydie sa husay alden kathryn nagpaulan ng luha kilig - Mala-Bea-Lloydie sa husay : Alden, Kathryn nagpaulan ng luha, kilig
ABANTE kathryn bernardo daniel - Mala-Bea-Lloydie sa husay : Alden, Kathryn nagpaulan ng luha, kilig

abante talbog joe barrameda 336x224 - Mala-Bea-Lloydie sa husay : Alden, Kathryn nagpaulan ng luha, kiligHindi namin maipaliwanag ang nararamdaman namin after mapanood ang “Hello, Love, Goodbye”. Ngayon lang ulit kami naiyak, kinilig at natawa sa mga eksena sa pelikula.

At salamat kina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Eh, dinagdag pa sina Lovely Abella, Joross Gamboa, Kakai Bautista, kaya lalong gumanda ang mga eksena.

Maituturing na isang mamahaling masterpiece ito ni Direk Cathy Garcia-Molina na sabi nga ng aming kasamahan sa panulat ay parang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo movie ang napanood nila.

Parehong magaling ang dalawang bida na kahit alam mo na hindi magka-love team ay sobra ang kilig at chemistry nila.

Sa takbo ng pelikula ay ramdam namin sa mga manonood ang kilig nila sa bawat eksena.

Marami rin kaming nakitang magagandang tanawin na hindi pa namin napupuntahan sa Hong Kong kahit ilang beses na kaming nagpapabalik-balik doon.

Mga Kapuso talent kinumpara ni Bova sa mga Hollywood star

Napakasuwerte ng mga GMA star na sumailalim sa Anthony Bova’s Workshop from New York. Isa siyang de-kalibreng workshop facilitator na nagke-cater rin sa mga Hollywood star.

Gumagastos ang GMA para ma-train ang husay ng mga homegrown talent nila na gumanda ang mga ac-ting career.

Natanong naman si Anthony sa mga comment niya sa mga aktor natin. May mga nakikita raw siya na puwedeng makapag-level up sa mga Hollywood actor. Marami raw siyang nakikitang potensyal sa mga artista natin.

Kaya naman proud ang mga aktor natin na nabibigyan ng pagkakataon na sumailalim sa mga training ni Bova gaya nina Jeric Gonzales, Juancho Trivino, Arra San Agustin, Thea Tolentino, Benjamin Alves, at Manolo Pedrosa.

Determinado ang GMA na palakasin ang mga homegrown talent at hindi umasa sa mga contract star lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *