Mala-‘Angel’: Ivana buhay na bayani sa Cagayan, Isabela

Si Ivana Alawi na ba ang papalit sa trono ni Angel Locsin? Parang ganun ang dating, kung ang pag-uusapan ay ang pagiging buhay na bayani.

The post Mala-‘Angel’: Ivana buhay na bayani sa Cagayan, Isabela first appeared on Abante.

mala angel ivana buhay na bayani sa cagayan isabela - Mala-‘Angel’: Ivana buhay na bayani sa Cagayan, Isabela
alawi - Mala-‘Angel’: Ivana buhay na bayani sa Cagayan, Isabela

Si Ivana Alawi na ba ang papalit sa trono ni Angel Locsin? Parang ganun ang dating, kung ang pag-uusapan ay ang pagiging buhay na bayani.

Aba, bukod sa saksakan ng ganda at seksi, may mabuting puso rin si Ivana na tumutulong sa nangangailangan.

Nakakatuwang makita si Ivana na hayun nga at sumugod sa Cagayan at Isabela para mamigay ng tulong sa mga apektado ng bagyong Ulysses.

Sinasamba ng marami sa kanyang tweet si Ivana na nasa gitna siya nang libo-libong relief goods. Gabundok nga sa dami ng mga nakabalot na relief goods ang nakahambalang sa likod ng sexy star.

Makikita sa larawan na matiyagang inilalagay ni Ivana sa mga plastic bag ang iba pang relief goods. At walang sino mang celebrity na kasama si Ivana sa naturang relief operation, ha! Kumbaga, mag-isa siyang kumakayod talaga para makatulong.

Wala rin siyang grupo na binanggit sa tweet na kasama niyang pumondo sa mga relief goods. Meaning, sariling pera niya ang ginamit niya sa pagtulong.

Ang nasa larawan nga ay mga tao sa evacuation center at mga military na siyang tumulong sa kanyang mamahagi.

Ganito rin noon si Angel, noong sumaklolo siya sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at sa mga sumunod pang sakuna. Pero dahil malaki-laki na rin ang nalagas sa kaban ng aktres, nanawagan na ito ng tulong sa publiko at sa mga kasamahan sa showbiz.

Wala lang titulong “Darna” si Ivana pero “Reyna” ang tingin sa kanya ng mga follower niya.

Sa mga pinosteng larawan ng mga fan ay makikitang tinanggal ni Ivana ang face mask niya sa harap ng mga tao. May dalang helicopter si Ivana na siyang sinakyan niya sa relief operation. (Rey Pumaloy)

The post Mala-‘Angel’: Ivana buhay na bayani sa Cagayan, Isabela first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *