Makalipas 10 taon: AJ Perez nabuhay sa harap ni Maine

Pagkatapos ng halos sampung taon simula nang pumanaw sa edad na 18 sa isang car accident ang dating actor na si AJ Perez, laking gulat ng mga nanonood ng Eat Bulaga noong Martes ng magpakilala ang isang Bawal Judgmental contestant.

The post Makalipas 10 taon: AJ Perez nabuhay sa harap ni Maine first appeared on Abante.

makalipas 10 taon aj perez nabuhay sa harap ni maine - Makalipas 10 taon: AJ Perez nabuhay sa harap ni Maine
abante maine - Makalipas 10 taon: AJ Perez nabuhay sa harap ni Maine

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Makalipas 10 taon: AJ Perez nabuhay sa harap ni MainePagkatapos ng halos sampung taon simula nang pumanaw sa edad na 18 sa isang car accident ang dating actor na si AJ Perez, laking gulat ng mga nanonood ng Eat Bulaga noong Martes ng magpakilala ang isang Bawal Judgmental contestant.

Tungkol sa mga nakatanggap ng organ through transplant ang mga contestant noong araw na ‘yun. Laking gulat ng mga manonood at kitang-kita lalo sa reaksyon ni Maine Mendoza.

Si Maine ang host at nag-interview sa isang lalaking contestant na nakakita ito dahil sa kagandahang loob ng kanyang eye donor. Halatang natigilan at nagulat si Maine nang malaman nito na ang kaharap niya ay ang isa sa mga recipient ng cornea ni AJ.

Dalawa ang nakatanggap noon at ang isa ay ang dating 8 year old na bata. Nine years after, nagpapasalamat pa rin ito sa pamilya ni AJ na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na muling makakita.

Isang napakaganda at kahanga-hangang act of kindness sa panahon ng pagdadalamhati.

Tekla mas may ‘K’ sa anak: Tulfo atras sa tulong kay Michelle

Sa loob ng isang araw, meron na agad mahigit 6 million views sa YouTube ang ini-upload nina Donita Nose at Super Tekla sa kanilang Donekla in Tandem na vlog.

Ang daming nagka-interes sa vlog nila kunsaan, nabuking kung gaano kakalat at kadumi ang condo unit ni Super Tekla dati at sa ginawa nilang make-over, 6 million views na agad ang naitala nito. Obviously, malaking factor ang recent issue ni Super Tekla at ng live-in partner niya na si Michelle Bana-ag.

Pinuri ng netizen si Donita as “World’s Bestfriend.” May comment pa na, “In a world full of Michelles, let us try to be each other’s Donita.”

Sa isang banda, maging si Raffy Tulfo ay “bumaligtad” na rin at pinapakuha kay Super Tekla ang anak nila. Napatunayan daw nito na “nagsisinungaling” si Michelle at diumano’y unfit na mag-alaga ng anak nila.

Sa ngayon, walang-duda na nakuha ni Super Tekla ng buong-buo ang simpatiya ng tao. Pero kung makikipagbalikan pa rin ito sa ka-live-in– mukhang yun ang aabangan kung ano ang magiging impact.

Liz Uy ‘ikakasal’ na sa ex ni Dra. Ging

Nagkataon lang ba? Pero heto’t halos sabay na naisa-publiko ang engagement ng stylist to the stars na si Liz Uy at ang TOYM awardee, Rheumatologist na si Dra. Ging (Geraldine) Zamora.

Noong August pa ng taong ito engaged si Dra. Ging sa tila literal na “cardiologist” ng buhay at puso niya na si Dr. Lauro Abrahan IV, pero mukhang recently lang nag-leak sa publiko.

Habang si Liz naman ay nag-post lang kahapon ng solo picture niya na suot ang engagement ring at may caption na, “In all lifetime, always a yes” at kasunod ang picture ng isang ring.

Sa mga nagtataka, ano ang koneksiyon ng dalawa? Well, malaki. Si Dr. Ging lang naman ang unang asawa na pina-annulled ang kasal nila ni Raymond Racaza, isang bigwig sa technology arena at ama naman ng anak ni Liz na Xavi. May anak din sila ng doctor.

Taong 2018 na-annulled ang kasal ng dalawa. Tahimik lang ito, pero ang press talaga ang gustong kumausap sa kanya at makakuha ng “juicy” statement. Pero napanindigan niya ang kanyang dignidad at hindi nagbitiw ng anumang hindi maganda o provoking statement.

Pero ang mga kaibigan at kakilala ng doctor ang nagsasalita kung paano raw ito nasaktan sa nangyari. Pero obviously, with her new engagement, tama nga ang comment ng mga netizen na ang cardiologist doctor nito ang nag-fix ng kanyang broken heart.

Happy ang netizen sa pagko-congratulate sa doctor. Masaya rin naman at halos inuulan ng congratulatory messages ang Instagram account ni Liz ng mga kilalang artista ang celebrities sa engagement nito.

Ilan sa mga bumati sa kanya ay sina Alex Gonzaga, Ellen Adarna, Kaye Abad, Solenn Heussaff, Bianca Gonzales, Mariel Padilla, Ruffa Gutierrez, Janine Gutierrez, Vice Ganda at marami pang-iba.

At least, parehong sa kasalan mauuwi ang kuwento nila.

The post Makalipas 10 taon: AJ Perez nabuhay sa harap ni Maine first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *