Makabayan bloc ayaw makaharap si Parlade

Hindi nakadalo si Bayan Muna chairperson at dating mambabatas Neri Colmenares sa pagdinig ng Senado sa diumano’y aktibidad ng ‘red-tagging’ ng ilang opisyal ng military.

The post Makabayan bloc ayaw makaharap si Parlade first appeared on Abante.

makabayan bloc ayaw makaharap si parlade - Makabayan bloc ayaw makaharap si Parlade
abante parlade - Makabayan bloc ayaw makaharap si Parlade

Hindi nakadalo si Bayan Muna chairperson at dating mambabatas Neri Colmenares sa pagdinig ng Senado sa diumano’y aktibidad ng ‘red-tagging’ ng ilang opisyal ng military.

Sa halip, pinadala ng Makabayan bloc ng isang kinatawan, si Atty. Maneeka Aistol Sarza sa pagdining ng Senate committee on defense.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, chair ng komite, inimbitahan ang mga miyembro ng progresibong grupo subalit hindi kinumpirma ang kanilang attendance.

“For the record, aside from official notices delivered by the Committee Secretariat last Oct. 30 to the different progressive militant groups – Bayan Muna, Alliance of Concerned Teachers, Kabataan, Gabriela, while properly received, did not confirm their attendance for still unknown reason until now,” sabi ni lacson

Sa kanyang opening statement, sinabi ni Lacson na hiniling umano ni Colmenares na magsagawa na hiwalay na pagdinig na hindi kasama ang miyembro ng military, lalo na si Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief Lt. General Antonio Parlade Jr.

Nagsagawa ang Senado na imbestigasyon matapos maghain ng resolusyon si Lacson para i-exercise ang kanilang oversight authority sa defense sector at tingnan ang pag-red-tag ng ilang opisyal ng military sa mga celebrity, personalidad, institusyon at ilang organisasyon. (Dindo Matining)

The post Makabayan bloc ayaw makaharap si Parlade first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *