Maja talbog sa kaseksihan ng ina

Maja talbog sa kaseksihan ng ina

Walang dudang may pinagmanahan hindi lang sa kagandahan kundi pati na rin sa kaseksihan niya si Maja Salvador.

The post Maja talbog sa kaseksihan ng ina appeared first on Abante News Online.

maja talbog sa kaseksihan ng ina - Maja talbog sa kaseksihan ng ina
maja 3 - Maja talbog sa kaseksihan ng ina

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Maja talbog sa kaseksihan ng inaWalang dudang may pinagmanahan hindi lang sa kagandahan kundi pati na rin sa kaseksihan niya si Maja Salvador.

Nalito ang mga fan, follower ng Kapamilya star sa pinoste nitong larawan nila ng isa pang babae, na kuha sa bakasyon nila sa Amanpulo.

Sa nasabing larawan makikitang kasama ni Maja ang isang petite na babae na nakasuot ng one-piece bikini, at siya naman ay two-piece. Parehong nakabanat ang kanilang buhok at iisa ang kulay ng kanilang swimsuit.

Nalaman namin na ito ang ina ni Maja dahil sa caption niya. Hindi makapaniwala ang mga follower ni Maja na ina niya ang kasama sa larawan, dahil napakaganda rin ng pigura nito.

May iba nga na nagsabi na kinabog si Maja ng ina niya sa kaseksihan. Ang mommy ni Maja ay kasal sa isang foreigner.
Kasama nga rin sa Amanpulo ang boyfriend ni Maja na si Rambo Nuñez, kaya naka-bonding ng pamilya nito ang kasintahan.

Michael super borta sa edad na 58

Pinatunayan ni Michael de Mesa na wala sa edad ang pagiging fit o tinatawag ngayon ng mga bading na ‘borta’. Umani ng paghanga si Michael mula sa mga fan dahil sa photo niya sa Instagram.

Kasi naman, nagpakita ng mga alsadong muscles, biceps, triceps ang aktor. Labas pa ang mga ugat sa mga muscle niya, tanda na batak talaga ang katawan niya.

Sabi ni Michael, hindi niya na-imagine ang sariling hahantong sa ganitong physique, lalo na at 58 years old na siya.

Ang misis na si Julie raw ang nag-encourage sa kanya. Isang pangarap lang daw ito noon na sa kanya na parang malabong maabot, pero nagawa niya.

Ang proper diet at discipline ang ilan sa sangkap ng pagkakaroon ng fit body.

Si Michael ang malinawag na ebiden­syang hindi pa huli ang lahat sa pagpapaganda ng katawan, kahit lagpas 50 ka na.

 

Enzo, Claudine inilantad na ang relasyon

Unti-unti na ngang nalalantad sa publiko ang relasyon ni Enzo Pineda sa isang non-showbiz girl na si Claudine Jay. Nagkaroon na ng malinaw na pagtukoy sa romantic relationship ng Kapamilya actor kay Claudine sa Instagram ng huli, na kung saan ay ipinagmamalaki nga niya ang boyfriend na aktor.

Magkasama sa Hong Kong sina Enzo at Claudine para sa kampanya ng isang party-list. Naka-post sa IG ni Claudine ang mga larawan ni Enzo na nakikisalamuha sa mga OFW sa Hong Kong. May video pa ang aktor na naglalakad at nakikipag-selfie sa mga kapwa Pinoy sa isang park doon.

Ang larawan nina Enzo at Claudine na magkayakap ang unang makikita sa IG ng dalaga. Hindi napigil ni Claudine ang sariling ipagmalaki si Enzo dahil sa dedikasyon nito sa kanyang trabaho.

Bumilib si Claudine sa kasintahan dahil kahit wala pa itong pahinga o tulog dumiretso na ito sa pangangampanya. Sabi nga ni Claudine, mas binigyan daw ng importansya ni Enzo ang kasiyahan ng mga taong makita siya ng personal kesa sa kapakanan niya.

 

Yasmien lutang ang ganda sa graduation photo

Nagpa-sample na si Yasmien Kurdi ng kanyang graduation pic sa magaganap na pagtatapos niya ng kolehiyo sa Arellano University. Magtatapos si Yasmien sa kursong Political Science sa April 6.

Pinakamaganda sa mga ga-graduate sa susunod na buwan si Yasmien kung ibabase sa kanyang larawan. Lutang na lutang ang ganda niya sa suot niyang Filipiniana dress.

Pero hindi nga raw naging madali kay Yasmien ang pag-aaral dahil umaringking siya sa hirap nu’ng magsimula na ang thesis defense nila.

Bukod kay Yasmien, nauna na ngang nagtapos sa Arellano University si Sunshine Cruz.

The post Maja talbog sa kaseksihan ng ina appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *