Maja super ligaya sa b-day sorpresa ni Rambo

Sana all! Ganyan na lang nga ang magiging reaksyon mo kapag nakikita mo kung gaano kaligaya si Maja Salvador sa piling ng boyfriend niyang si Rambo Nuñez.

maja super ligaya sa b day sorpresa ni rambo - Maja super ligaya sa b-day sorpresa ni Rambo
maja 6 - Maja super ligaya sa b-day sorpresa ni Rambo

Sana all! Ganyan na lang nga ang magiging reaksyon mo kapag nakikita mo kung gaano kaligaya si Maja Salvador sa piling ng boyfriend niyang si Rambo Nuñez.

Eh kasi naman, si Rambo, lahat na lang yata ng sorpresa, para paligayahin ang dyowa niya, ginagawa niya, ha!

Like heto nga, isang bonggang birthday sorpresa na naman ang ginawa niya para sa bida ng “The Killer Bride”. Kaya si Maja, tila lunod na lunod na naman sa kaligayahan sa piling ni Rambo.

“Hi My Love! Rambo. Thank You dahil alam mo lagi kung paano ako pasayahin. Mahal kita(heart emoticon). Salamat Guys! I love you All!” sabi ni Maja.

Anyway, makikita nga sa Instagram ni Maja ang mga photo na kasama niya ang mga mahal niya sa buhay, ang mga kaibigan niya sa showbiz, o mga taga-showbiz na super lapit sa puso niya, ha!

At sa bandang dulo, isang mahabang kilig, kiliti nga ang puwede mong maramdaman, dahil sa tukaan nilang dalawa. Ang sarap, ‘di ba?

Kaya again, sana all, o sana oil, ang puwedeng reaksyon ng mga fan nila. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *