Maja martir

Marami ang humanga kay Maja Salvador sa kanyang mga naging rebelasyon sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa “I Feel U.” Martir siya sa pamilya.

maja martir - Maja martir
tonite maja - Maja martir

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang humanga kay Maja Salvador sa kanyang mga naging rebelasyon sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa “I Feel U.” Martir siya sa pamilya.

Sa murang edad, inamin niya na siya na ang naging breadwinner ng pamilya.

Ito rin daw ang nagsilbing motivation sa kanya kung bakit pumasok siya sa showbusiness.

Kumpara rin sa kanyang mga kakontemporaryo, maaga rin daw siyang namulat sa responsibilidad.

Pagbubunyag pa niya, hindi raw siya nakatapos ng pag-aaral o walang anumang degree na maipagmamalaki.

Gayunpaman, proud naman siya na sa pamamagitan ng sariling pagpupunyagi ay napagtapos niya ng pag-aaral ang kanyang mga kapatid na pawang mga titulado na ngayon.

“Siyempre bata ka pa lang, nakikita mo na lahat ng nangyayari sa family mo. ‘Yung mommy ko nagtatrabaho abroad, tapos ako palipat-lipat ako ng bahay sa mga kapatid niya para alagaan ako. Doon nag-umpisa akong mangarap hindi lang para sa akin kung ‘di para sa pamilya ko,” aniya.
Naranasan din daw niya noong makitira sa iba’t-ibang bahay dahil wala silang sariling tirahan noon.

“Nung nagkaroon ng oportunidad, in-embrace natin kaagad ‘yun, hindi natin pinakawalan. Ibinigay natin ng 1,000 percent, ng buong buo para magawa ng maayos ‘yung trabaho mo. Siyempre pagdadasal para lagi tayong tulungan ni God,”ani Maja.

“Para kang naging nanay ng maaga. Ang sarap sa pakiramdam na nakapagtapos ng pag-aaral ‘yung kapatid ko. May kanya-kanya ng trabaho. Hindi man ako nakapagtapos ng pag-aaral pero nai-share ko ‘yung lahat, ‘yung pagod at paghihirap ko nagbunga ng maganda sa mga kapatid ko,” pahabol niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *