Maja makapanindig-balahibo sa ‘Killer Bride’

Trending agad-agad worldwide ang “The Killer Bride” (#TheKillerBrideFirstCurse), na kung saan ay nakulong, nasunog, namatay si Camila (Maja Salvador).

maja makapanindig balahibo sa killer bride - Maja makapanindig-balahibo sa ‘Killer Bride’
ABANTE Maja - Maja makapanindig-balahibo sa ‘Killer Bride’

Bantay teleserye

Ni Dondon Sermino

Trending agad-agad worldwide ang “The Killer Bride” (#TheKillerBrideFirstCurse), na kung saan ay nakulong, nasunog, namatay si Camila (Maja Salvador).

Ito nga ‘yung epi-sode na isinumpa ni Camila ang mga taong gumawa ng kasalanan sa kanya, na babalikan niya, at paghihigantihan.

Aba, kahit si Vice Ganda ay natakot kay Maja, ha!
Kaabang-abang na nga raw ang pagbabalik ni Maja bilang multo. Paano nga ba maghihiganti ang isang multo? Sa paanong paraan niya papatayin ang mga ito?
Puring-puri nga ng mga fan ang akting ni Maja sa episode na ‘yon.
Nakakapanindig-balahibo ang kahusayan ni Maja.

Heto nga ang reaksiyon ng mga fan:

ML georgia, “I like maja’s shouting voice. The eerie vibes are there. Goosebump.”
Enalyn Flores, “Can’t wait to see ang reaction ng Tito ni Camila… yong gong gong na Tito.”
Julie Lico, “The casts are superb… Maja Salvador is back again with another blockbuster teleserye!”
marlou acain, “Get ready because Camilla is dead but she is back by using the little girl’s body for revenge.”
Angel joy Nueda, “I really love this drama.”

Ry no, “Time check 3:45 putok na eyebags ko kakahintay ng full episode.”
Ann Allaga, “Ang bilis ng kwento…Nkaka excite na nakakatakot.”

Elisa Toledo, “Ganda pamangkin ni Maja si Emma, I think she’s Vida daughter of Camilla excited for tomorrow.”

Mark Anthony Aligarbes, “Ang ga-ling 5 days pa lng ng show ang bilis ng story. Ito aabangan ko kasi na umay na ako kakahintay ng story ng kadenang ginto paulit2.”

Kobe Serinas, “Mas dapat tayong matakot sa buhay?” Clue na yon. Buhay si Camila at alam ni Emma. Magkakampi sila.”

Stephanie Kim, “Bakit hindi rin matahimik si Vito? Nanaginip rin sya. Nagdududa na rin talaga ako ky Vito.”

Oh, ‘di ba? Bongga ang reaksiyon ng mga manonood.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *