Maja, Erich gusto nang kurutin si Baby Jude

Tatlo na agad ang mga ninong, ninang sa showbiz ni Baby Jude, anak nina Janella Salvador at Markus Paterson. At sila nga ay sina Maja Salvador, Kyle Echarri at Erich Gonzales.

The post Maja, Erich gusto nang kurutin si Baby Jude first appeared on Abante.

maja erich gusto nang kurutin si baby jude - Maja, Erich gusto nang kurutin si Baby Jude
Maja x Erich - Maja, Erich gusto nang kurutin si Baby Jude

Tatlo na agad ang mga ninong, ninang sa showbiz ni Baby Jude, anak nina Janella Salvador at Markus Paterson. At sila nga ay sina Maja Salvador, Kyle Echarri at Erich Gonzales.

Lumalabas na ang tatlo ay kakuntsaba sa itinagong pagdadalantao at panganganak ni Janella.

Sa YouTube channel nina Janella at Markus na may account name na M & J nagpahayag ng kasiyahan ang mga nabanggit sa pagsilang ni Baby Jude.

Iisa ang mensahe ng tatlo na sila ay excited na makita ng personal ang baby, at maging mga ‘godparent’ nito.

Sabi nga ni Erich, sabik na siyang mayakap, mahalikan at panggigilan ang anak nina Janella at Markus.

May plano na agad sa paglaki ng bata si Kyle na gusto na siya ang maunang magturo na magbisikleta sa inaanak. Parang pangalawang ama na nga si Kyle sa sobrang excitement nitong maging ninong.

Hindi pa man nakikita ni Maja ang sanggol “i love you so much” kaagad ang mensahe nito. Pinuri ni Maja ang naging pagtanggap ni Janella sa pagbubuntis nito, na ayon sa kanya ay hindi madali.

Itinago nga ni Janella ang kanyang pagdadalantao sa publiko at nitong Martes lang niya ibinunyag ang pagkakaroon ng baby.

Sa vlog ay detalyado ang journey ng pagbubuntis ni Janella na may date pa ng mga importanteng araw sa pinagdadaanan nito.

Kabilang din sa mga nagbigay mensahe ay ang daddy ni Janella na si Juan Miguel Salvador at ang ina nitong si Jenine Desiderio.

Kapansin-pansin lag ang pagbabago sa mukha ni Jenine, na halatang nagpakapal ito ng mga labi. Nagmukhang namamaga ang nguso ni Jenine. (Rey Pumaloy)

The post Maja, Erich gusto nang kurutin si Baby Jude first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *