Maja ayaw pang alukin ng kasal ni Rambo

Alam mo, Dondon (my dear editor), noong mag-pictorial sa isang hotel sa Araneta City, Cubao si Maja Salvador sometime in 2019, at makatsikahan siya ng ilang press people, kinukulit na siya kung kailan sila magpapakasal ng boyfriend niyang si Rambo Nuñez.

The post Maja ayaw pang alukin ng kasal ni Rambo first appeared on Abante.

maja ayaw pang alukin ng kasal ni rambo - Maja ayaw pang alukin ng kasal ni Rambo
abante maja - Maja ayaw pang alukin ng kasal ni Rambo

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 2 300x180 - Maja ayaw pang alukin ng kasal ni RamboAlam mo, Dondon (my dear editor), noong mag-pictorial sa isang hotel sa Araneta City, Cubao si Maja Salvador sometime in 2019, at makatsikahan siya ng ilang press people, kinukulit na siya kung kailan sila magpapakasal ng boyfriend niyang si Rambo Nuñez.

Natawa lang si Maja that time dahil parang naiinip na ang ibang mga tao tungkol sa pagpapakasal nila ni Rambo.

Nang mag-El Nido, Palawan sila bago mag-New Year, marami ang natuwa dahil baka biglang mag-marriage proposal na nga kay Maja sa lugar na ‘yon ang kanyang boyfriend dahil kasama ni Rambo roon ang kanyang pamilya, headed by his mom Marilen Nuñez (na malapit din sa entertainment press dahil sa Goma Cup noon ni Mayor Richard Gomez).

Kasama rin nila sa bakasyon na ‘yon ang napakaraming mga kaibigan like Raymond Gutierrez, Bubbles Paraiso, Yassi Pressman at iba pa.

So, may mga tinanong ako baka nga nag-propose na si Rambo kay Maja, pero wala pa raw.

“Not yet. LOL. Everyone’s waiting, hindi lang kayo. Hahaha!” sabi ng isang tinanong ko.

Anyway, nang mag-uwian na from El Nido ang mga kasama nina Maja at Rambo sa bakasyon nilang ‘yon, nag-stay pa pala sila at ang ibang pamilya ng binata sa Palawan, pero nagpunta na sila sa Puerto Princesa.

Mukhang enjoy sina Maja at Rambo sa bakasyon na ‘yon dahil sobrang close rin ang dalaga sa pamilya ng kanyang boyfriend.

Anyway, marami ang tila gustong sina Maja at Rambo na talaga ang mag-end-up sa isa’t isa dahil bagay naman talaga sila at pareho pang mabait!

Elijah, Kokoy nakakabitin

Naglabas na pala ang The IdeaFirst Company ng mag-asawang Perci Intalan at Jun Lana (they had same sex marriage sa New York some years ago) ng “Gameboys 2” ang web BL (boys’ love) series nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos.

Excited na nga ang mga fan ng EliKoy “love team” sa teaser ng book two ng BL series na ‘yon.

Pero sabi naman ni Direk Perci, ang mga nakunan pa lang kasi nila ay hindi pa naman buong mga episode dahil film style raw sila.

So, malamang, kapag nag-resume sila ng shooting ng bandang February na saka pa lang sila makakapaglabas ng teaser.

O baka naman “ibinibitin” muna nila ‘yon para lalong manabik ang mga fan, huh!

Anyway, si Elijah, nakakailang araw na sa lock-in taping uli ng “Paano Ang Pangako?” ng TV5 at si Kokoy naman, sa Friday ay magla-lock-in taping na para sa second cycle ng “Stay-In Love” weekly sitcom kung saan kapareha niya si Maris Racal.

Pareho silang matatapos ng lock-in tapings nila sa end of the month, kaya sa February nga raw ang resume ng lock-in shooting nila for “Gameboys 2”.

Regal, Viva, Star bakbakan sa streaming app

Kung noon sa sinehan ang competition ng Regal Entertainment, Inc., Star Cinema, Viva Films at iba pa, ngayon ay sa streaming apps na.

Ang Regal ay identified sa Upstream.ph dahil isa sa mga owner noon ang anak ni Mother Lily Monteverde na si Dondon Monteverde, ang Star Cinema/ABS-CBN naman ay identified sa KTX.ph at magsisimula naman ang Viva Max ni Boss Vic del Rosario.

Ang bongga lang, ‘di ba, Dondon?!

Anyway, naaliw ako sa trailer ng Paglaki Ko, Gusto Kong Maging #Pornstar na pinagbibidahan nina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor. Nakakaaliw sila sa trailer pa lang.

Parang interesting ngang panoorin ang pelikulang ‘yon ng Viva Films na magsisimulang ipalabas sa January 29.

The post Maja ayaw pang alukin ng kasal ni Rambo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *