Maine pinaligaya si Arjo sa b-day

Gaya nang dapat asahan ay si Maine Mendoza ang espesyal na panauhin ni Arjo Atayde sa kanyang kaarawan. At sabi nga ni Sylvia Sanchez ay siyang nagpasaya sa kanyang anak sa mismong birthday nito.

The post Maine pinaligaya si Arjo sa b-day first appeared on Abante.

maine pinaligaya si arjo sa b day - Maine pinaligaya si Arjo sa b-day
abante maine arjo - Maine pinaligaya si Arjo sa b-day

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Maine pinaligaya si Arjo sa b-dayGaya nang dapat asahan ay si Maine Mendoza ang espesyal na panauhin ni Arjo Atayde sa kanyang kaarawan. At sabi nga ni Sylvia Sanchez ay siyang nagpasaya sa kanyang anak sa mismong birthday nito.

Kinumpirma ni Sylvia ang naramdaman ng anak sa mismong birthday nito sa pinosteng intimate birthday celebration ng aktor sa kanyang Instagram.

Ilang mga larawan ang ibinahagi ni Sylvia na kuha sa selebrasyon na kasama nga nila si Maine.

“Masaya ako anak @arjoatayde kasi alam kong masayang masaya ka, maligayang kaarawan,” sabi ni Sylvia.

Nakapambahay lang ang buong pamilya sa kanilang selebrasyon na ginanap sa kanilang tahanan.

Sharon na-guilty sa namatay na aso

Mahigit 15 taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon ay inuusig pa rin ng kanyang kunsensya at lungkot si Sharon Cuneta sa pagkamatay ng alagang aso.

Ipinakilala ni Sharon ang cute na Mini-Shih Tzu. Ayon sa Megastar, ngayon lang sila uli nagkaroon male Shih Tzu mula nang mamamatay ang nauna nilang alaga.

Sanggol pa lang daw ni Frankie noon nang palabasin niya sa kanilang silid ang alagang aso. Ignorante pa raw siya noon, na hindi nakakasama sa mga bata ang mga alagang aso sa paligid nila.

Sa tuwing maalala ni Sharon ang ginawa niya sa alaga, nagi-guilty at lungkot siya. Pero, dahil sa bagong alaga, nadagdagan ang kasiyahan ng Megastar.

McCoy napagtapos ang kapatid sa kolehiyo

Proud kuya si McCoy de Leon sa pagtatapos ng kanyang kapatid na si Markson de Leon sa Centro Escolar University sa kursong Psychology.

Ipinangalandakan ng Kapamilya actor ang diploma at larawan ng kapatid sa kanyang Instagram. Ayon kay McCoy dito lang siya nagyabang sa mga post nya dahil sa achievement ng kanilang pamilya sa edukasyon.

Samantala, naantala ang regular home schooling ni McCoy dahil sa lock in taping nito sa seryeng “Walang Hanggang Paalam.” Balik kolehiyo si McCoy sa ilalim ng online class sa kursong Civil Engineering.

Nagpaalam daw siya sa kanyang mga professor na hahabol na lang sa mga naiwan niyang mga assignment pag natapos na ang taping nila.

The post Maine pinaligaya si Arjo sa b-day first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *