Maine pinagkaguluhan ng mga taga-ABS-CBN

Hindi pa rin makapaniwala si Maine Mendoza na makakaharap niya si Boy Abunda para sa isang interview sa talk show nito na ipinalabas last Monday.

maine pinagkaguluhan ng mga taga abs cbn - Maine pinagkaguluhan ng mga taga-ABS-CBN
maine x carlo 1 - Maine pinagkaguluhan ng mga taga-ABS-CBN

Jun Nardo I Know Better 18 336x224 - Maine pinagkaguluhan ng mga taga-ABS-CBNHindi pa rin makapaniwala si Maine Mendoza na makakaharap niya si Boy Abunda para sa isang interview sa talk show nito na ipinalabas last Monday.

Eh mula kasi nang madiskubre siya sa “Eat Bulaga”, walang nag-akala na makakatuntong siya sa ABS-CBN dahil sakop pa rin siya ng network war. Lalo na nu’ng nilampaso sa ratings ng AlDub love team nila ni Alden Richards ang “It’s Showtime”, huh!

Eh blocktimer naman sa GMA ang producers ng “Eat Bulaga” at saka co-producer ang APT Entertainment sa movie nila ni Carlo Aquino na “Isa Pa, With Feelings” kaya malaya siyang nakatawid ng network. Hindi na siya sakop ngayon ng network war.

Para sa promo ng pelikula ang guesting ni Meng at kasama niya si Carlo na sumalang sa show ni Boy. Tutal naman, nagkasama na sina Boy at Maine sa isang TV commercial kaya wala nang ilangan sa chikahan nila.

At makikita naman sa mga video na naglalabasan na pinagkaguluhan si Maine ng mga taga-ABS-CBN, ha!

Rambo lucky charm ni Maja

Lucky charm ang tawag ni Maja Salvador sa boyfriend niyang si Rambo Nunez. Present kasi ang boyfie niya sa Busan International Film Festival at nanalo siya bilang Best Actress sa First Asian Contents Awards.

Ang panalo ni Maja ay para sa TV series niyang “Wildflower” at sa panalo niya, “In His perfect time.”

Ilan sa bumati sa aktres ay sina Kim Chiu at Jessy Mendiola.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *