Maine, Pia, Maja nagpaguwapuhan sa Snapchat

Usong-uso ngayon ang filter sa Snapchat (face-swapping) kung saan kapag itinapat mo ang mukha mo sa camera ay magta-transform ito sa kasalu­ngat na kasarian. Maaari ring magmukhang bata ang hitsura mo kapag ang pinili mo ay ang filter ng parehas mong kasarian.

The post Maine, Pia, Maja nagpaguwapuhan sa Snapchat appeared first on Abante News Online.

maine pia maja nagpaguwapuhan sa snapchat - Maine, Pia, Maja nagpaguwapuhan sa Snapchat
maine 8 - Maine, Pia, Maja nagpaguwapuhan sa Snapchat

Usong-uso ngayon ang filter sa Snapchat (face-swapping) kung saan kapag itinapat mo ang mukha mo sa camera ay magta-transform ito sa kasalu­ngat na kasarian. Maaari ring magmukhang bata ang hitsura mo kapag ang pinili mo ay ang filter ng parehas mong kasarian.

Kaya naman tampok ang ilang mga celebrity na nag-enjoy paglaruan ang kanilang mga mukha sa pamamagitan ng nasabing filter. Unang naki-join sa katuwaan ay sina Maine Mendoza na dinamay pa ang ilan sa kanyang dabarkads na sina Paolo Ballesteros at ang ama-amahan na si Vic Sotto.

Sumunod naman si Maja, at guwapong-guwapo pa nga siya sa kinalabasan ng kanyang itsura bilang lalaki, sabay dinamay din niya ang kanyang boyfriend na si Rambo Nuñez na maganda rin ang kinalabasan bilang babae.

Hindi rin nagpahuli si Queen Pia Wurtzbach na siyang pinagpantasyahan ng kababaihan dahil maganda na nga bilang babae, guwapo pa rin bilang lalaki!
Kumalat din sa social media ang kalokohan ng mga netizen kung saan itinapat ang filter sa mukha ng ilan sa mga senatorial candidates tulad nina Poe, Diokno, Revilla, Ong, Villar, Binay, Aquino at marami pang iba.

Napakarami na ngang netizens ang nabaliw sa trending na filter na iyon. Baka isa ka na rin sa na-hook? O kung hindi pa, maaari mo ring subukan, baka malibang ka!

Ay teka lang, sino nga ba kina Maja, Pia at Maine ang mas guwapo kung naging lalake sila? (Athena Yap)

The post Maine, Pia, Maja nagpaguwapuhan sa Snapchat appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *