Maine pasabog ang ‘I-kanta Mo Na Yan!’

Matagumpay na nairaos ang grand finals ng singing contest sa Kumu na ‘I-kanta Mo Na Yan!’

The post Maine pasabog ang ‘I-kanta Mo Na Yan!’ first appeared on Abante.

maine pasabog ang i kanta mo na yan - Maine pasabog ang ‘I-kanta Mo Na Yan!’
ikanta mo na yan - Maine pasabog ang ‘I-kanta Mo Na Yan!’

Matagumpay na nairaos ang grand finals ng singing contest sa Kumu na ‘I-kanta Mo Na Yan!’

Bilib kami kay Maine Nadaya dahil magandang libangan ang kanyang proyekto habang nasa quarantine pa rin tayo. Siya ang nagsilbing host.

Sa mga hindi nakakaalam, si Maine ay isang talent manager, producer, entertainment journalist at namamayagpag ngayon sa Kumu.
Bukod sa inyong lingkod, napagsama-sama niya ang mga sikat sa larangan ng musika at showbiz bilang hurado.

Nandiyan sina Vehnee Saturno, Faith Cuneta, Roldan Castro , Direk Joven Tan, Jobert Sucaldito James Rumohr at musical director na si Butch Miraflor.

Nag-perform naman sina Bugoy, Liezel Garcia at Manly Ocampo na may hit song na ‘Kalawakan’.

Pito ang naglaban-laban sa grand finals. Naging champion si EJ Gonzaga aka Bananaman, first runner up si Klarylle May Dumancas, 2nd runner up naman si Kristtofer Quiambao

Nakalaban nila sina Jorgie Doroin, Samantha Barlam,

Marvin Munoz at Princess Perez.

Congrats sa mga nanalo at kay Maine dahil pasabog ang kanyang proyekto.

Talbog!

The post Maine pasabog ang ‘I-kanta Mo Na Yan!’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *