Maine nawala ang paghanga kay Carlo

Natupad ang wish ni Maine Mendoza na makapareha ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino.

maine nawala ang paghanga kay carlo - Maine nawala ang paghanga kay Carlo
maine x carlo - Maine nawala ang paghanga kay Carlo

Ni: Rose Garcia

Natupad ang wish ni Maine Mendoza na makapareha ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino.

Nasabi niya raw talaga na kung mabibigyan siya ng opportunity, gusto niyang maka-work si Carlo. Kaya natuwa siyang talaga nang malaman niyang si Carlo nga ang leading man niya sa Black Sheep at APT Entertainment.

Sabi nga ni Maine, “Nang mapanood ko ‘yung movie nila ni Bela (Padilla) parang naging crush ko siya ng slight. Pero paglabas ng sinehan, nawala na. Hahaha!”

Sa part naman ni Carlo, inamin niyang excited siya at the same time, kinabahan dahil sa laki ng fandom daw ni Maine.

“But more than that, excited talaga ‘ko na makatrabaho siya. Pinapanood ko pang dati ang Dubsmash niya,” sey ni Carlo.

Quiet lang daw si Maine sa umpisa pero hindi raw niya akalain na magiging sobrang kalog ito.

Reluctant drama actress pa rin si Maine kahit na kung pagbabasehan ang trailer, mukhang kering-keri na niya.

“Iba po kasi ang standard ko sa sarili ko. Mahirap po talaga akong ma-convince. Pero feeling ko naman may improvement ako na mga .2 percent,” natawang sabi niya.

Ang “Isa Pa, With Feelings” ay sa direksyon ni Prime Cruz at mapapanood na sa October 16 sa mga sinehan nationwide.

***

Nyle, Danaielle mga bagong Regal Baby

Napakasuwerte ng mga grand winner ng SM Little Stars 2019 na sina Nyle Quinzel Tapdasan mula sa SM City North Edsa at si Danaielle Haley Magtoto ng SM City East Ortigas.

Ngayon lang kasi ang taon na nakipag-collaborate ang SM sa Regal Films. Nagkaroon na ng contract signing para sa dalawang SM Little Stars grand winners sa Valencia Events Place na dinaluhan ng mag-inang sina Mother Lily Monteverde at Ms. Roselle Monteverde at ang SM COO na si Steven Tan.

In fairness, nagpakitang gilas kaagad ang mga bagets. Si Danaielle ay napakahusay mag-piano at sinabayan pa ito ni Mother na tumugtog.

Tinanong namin sina Mother Lily at Ms. Roselle kung ano ang plano nila sa dalawang winners na mga bagong Regal Babies.

Ayon kay Roselle, “Definitely, magkakaroon sila ng movie. Makakasama sila sa mga movies ng Regal.”

Hindi pa masagot ni Roselle kung every year na ang magiging collaboration ng Regal at SM Little Stars winners, pero masaya raw sila sa partnership nilang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *