Maine nanggulat sa daring scene kay Carlo

Opisyal nang inilabas sa publiko ang trailer ng kauna-unahang pelikulang pagtatambalan nina Carlo Aquino at Maine Mendoza na pinamagatang “Isa Pa With Feelings”.

maine nanggulat sa daring scene kay carlo - Maine nanggulat sa daring scene kay Carlo
maine 14 - Maine nanggulat sa daring scene kay Carlo

Opisyal nang inilabas sa publiko ang trailer ng kauna-unahang pelikulang pagtatambalan nina Carlo Aquino at Maine Mendoza na pinamagatang “Isa Pa With Feelings”.

Hindi talaga maitatanggi ang excitement ng mga fan para sa naturang pelikula, agad itong lumaganap sa social media, syempre ay humamig ng libo-libong like, share at reaksyon mula sa mga netizen.

Trailer pa lang ay napakagat na agad ang mga fan sa istorya, sobrang dami talaga ang na-curious sa itatakbo ng pelikula at mas lalong nasabik ang mga ito nang makita na may daring scene o eksena si Maine.

Well, kilala at sumikat kasi ang aktres sa kanyang pagiging conservative sa AlDub serye sa “Eat Bulaga” noon at ang kanilang palabas ni Vic Sotto na “Daddy’s Gurl”.

Pero, kakaibang version ni Maine ang mapapanood sa pelikula nila ni Carlo. Nandiyan ‘yung may paghimas pa si Carlo sa katawan ni Maine, at halos magdikit din ang kanilang mga labi, ha!

At guess what kung ano pa ang mas nagpa-hook sa mga nakanood ng trailer? Mukhang marami pa kasing twist ang istorya na talagang nakakapanabik panoorin.

Kanya-kanyang tag pa nga ang mga netizen sa mga nais nilang maka-date o makasamang manood ng pelikula ng CarMaine.

“Mas lalo akong na-in love kay Carlo, trailer pa lang to! My goodness cant wait!”

“OMGGG Maine on her next level!”

‘Yan at marami pang iba ang iba’t ibang reaksyon na bumuhos tungkol sa trailer ng “Isa Pa with Feelings”. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *