Maine nagpakalat ng fake news

Tinawanan na lang ni Maine Mendoza ang pagkakamali niya sa pagpapakalat ng fake news.

The post Maine nagpakalat ng fake news first appeared on Abante.

maine nagpakalat ng fake news - Maine nagpakalat ng fake news
abante maine mendoza 1 - Maine nagpakalat ng fake news

Tinawanan na lang ni Maine Mendoza ang pagkakamali niya sa pagpapakalat ng fake news.

Tuwang-tuwa nga si Maine na ibinalita sa kanyang Twitter ang pagpapalabas ng movie nila ni Carlo Aquino.

“Forreaaaalz? Yaaaay #IsaPaWithFeelings on Netflix starting tomorror (Nov. 19)! Luvette!” ang buong pagmamayabang na sey ni Maine.

At siyempre, tuwang-tuwa ang kanyang mga fan, at plano talaga nilang sabay-sabay na panoorin ang movie na ito sa Netflix, kesehodang napanood na nila ito noon sa mga sinehan.

Pero, ilang minute lang ang nakalipas, binawi agad ni Maine ang chika niya.

“#FakeNews pala ito! Sorry na. December 25 pala talaga. Stream. #IsaPaWithFeelings on Christmas day, ganern!” tweet niya.

Tawang-tawa na lang si Maine sa nangyari, at hirit na lang niya, ‘excited na nga ako matulog eh char.’

Well… (Dondon Sermino)

The post Maine nagpakalat ng fake news first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *