Maine-Maricel movie itatapat kina Alden, Kathryn

Kanya-kanyang ka­yod na talaga sina Alden Richards at Maine Mendoza.

The post Maine-Maricel movie itatapat kina Alden, Kathryn appeared first on Abante News Online.

maine maricel movie itatapat kina alden kathryn - Maine-Maricel movie itatapat kina Alden, Kathryn
maine mendoza 1 - Maine-Maricel movie itatapat kina Alden, Kathryn

abante i know better jun nardo 336x224 - Maine-Maricel movie itatapat kina Alden, KathrynKanya-kanyang ka­yod na talaga sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Si Alden, sasama sa New York episode ng “Studio 7.” Bukod ‘yan sa Hong Kong shooting ng movie nila ni Kathryn Bernardo.

May nakaplano naman na movie si Meng kasama si Maricel Soriano pero wala pang kumpirmas­y­on ang management ng Pheno­menal Star.

Pero sa TV ay mapapanood siya sa “Eat Bulaga” Lenten drama na “Byaheng Brokenhearted” at ipalalabas ito sa Abril 16, Martes Santo, na syinut sa Sagada at La Union. Kasama ng Pheno­menal Star si Paolo Ballesteros.

Ang episode naman ni Alden sa EB ay sa Ge­neral Santos City kasama sina Joey de Leon at Baby Baste.

Wala mang project na magkasama, bahagi sina Alden at Maine sa religious event ni Bishop Socrates Villegas na A World at Prayer is a World of Peace sa April 16.

At least, hindi na dependent sa kanilang love team sina Alden at Maine para lang magkatrabaho, huh!

Joyce-Juancho relasyon masisira kay Atom

Sumalang sa mahabang proseso ang sampung baguhang news reporter na magiging bahagi ng GMA News and Public Affairs online newscast “Stand for Truth” na mapapanood simula sa April 15, 8:30PM sa YouTube channel ng network at GMA On-line pati sa social media hub ng Kapuso channel.

Dumaan sila sa interviews at nagkaroon ng training bago mapili. “‘Yung lumabas na pinakama­galing sa training, ‘yan ang final 10 namin,” saad ng isa sa exe­cutive ng programa.

Magsisilbing mga host ng news online show sina Atom Araullo, ang resident political analyst ng GMA na si Richard Heydarian at Joyce Pring (sa music segment).

“This is a continuation of what I’m doing. Ang kaibahan lang nito ay everyday I make research, I make analysis based on facts. Iba ito sa akin. Mas marami sa ating hindi interesado sa facts. Mas interested sila sa fake news,” saad ni Richard.

Eh si Joyce naman, ano ang feeling at ka-level na niya sina Atom at Richard? Baka masira ang lovelife (with Juancho Trivino) niya dahil sa show?
“Bakit naman masisira, Tito Jun? Grabe ka naman.

“I feel very blessed and grateful for being a part of ‘Stand For Truth.’ I have a lot of fun working with these two but more than that, I learned so much from them!” pahayag ni Joyce.

The post Maine-Maricel movie itatapat kina Alden, Kathryn appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *