Maine, KathNiel beso-beso sa awards night

Kabuwanan na ngayon ni Marian Rivera pero dumating pa rin siya sa Guillermo Mendoza Memorial Awards night nu’ng Linggo para tanggapin ang kanyang Bert Marcelo Lifetime Achievement Award.

The post Maine, KathNiel beso-beso sa awards night appeared first on Abante News Online.

maine kathniel beso beso sa awards night - Maine, KathNiel beso-beso sa awards night
maine 5 1 - Maine, KathNiel beso-beso sa awards night

abante i know better jun nardo 336x224 - Maine, KathNiel beso-beso sa awards nightKabuwanan na ngayon ni Marian Rivera pero dumating pa rin siya sa Guillermo Mendoza Memorial Awards night nu’ng Linggo para tanggapin ang kanyang Bert Marcelo Lifetime Achievement Award.

Maternity leave na si Yan sa kanyang trabaho pero dahil mahalaga ang award sa kanya, nagpaalam siya sa kanyang management para dumalo sa awards night.

Present din si Maine Mendoza para tanggapin ang kanyang Box-Office Queen Award. Agad namang nag-trending sa Twitter na gamit na hashtag ng fans niyang #boxofficequeen2019maine. Gandang-ganda na sila sa suot ni Meng na pant suit at ang speech niya ng pasasalamat sa producers ng “Jak Em Popoy” pati na ang nagpa-block screenings at hinakayat ang publiko na suportahan ang pelikulang Pilipino.

Nakita rin ang pagbebeso-beso nila nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla sa event na ‘yon, na ikinatuwa talaga ng mga netizen, fan.

‘EB Lenten Special’ sa Japan, HK, Myanmar kukunan

Kanya-kanyang destinasyon naman ang “Eat Bulaga” Dabarkads para sa taping ng EB Lenten Drama Specials after ng bakasyon nila sa Holy Land.

Unang nag-post si Allan K sa Instagram ng lokasyon ng taping niya – sa Japan – at kasama niya sa picture si Luane Dy na first time sa Japan.

Ayon sa nakuha naming impormasyon, ang ibang Dabarkads naman ay sa Hong Kong at Myanmar ang taping pero wala pang post sa social media ang ibang Dabarkads kung saang bansa sila magtatrabaho.

The post Maine, KathNiel beso-beso sa awards night appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *