Maine, Juancho ‘di na nagkikita, nag-uusap

Hindi nakaligtas si Juancho Trivino sa mga tanong tungkol kay Maine Mendoza. ‘Di ba nga, nu’ng magkasama sila sa teleserye nina Maine at Alden Richards, may mga hinala ang lahat na magdyowa sila ni Maine.

maine juancho di na nagkikita nag uusap - Maine, Juancho ‘di na nagkikita, nag-uusap
maine x juancho - Maine, Juancho ‘di na nagkikita, nag-uusap

Dondon Sermino Paistaran 15 336x224 - Maine, Juancho ‘di na nagkikita, nag-uusapHindi nakaligtas si Juancho Trivino sa mga tanong tungkol kay Maine Mendoza. ‘Di ba nga, nu’ng magkasama sila sa teleserye nina Maine at Alden Richards, may mga hinala ang lahat na magdyowa sila ni Maine.

Kasi nga, mas madalas na kasama ni Maine si Juancho kesa kay Alden. May mga dinner date rin sila, kasama pa ang ibang barkada nila like Sheena Halili.

Hindi nga nagustuhan ng mga fan noon ang pagdikit-dikit ni Juancho kay Maine. Na feeling nila, sinisira nito ang tandem nina Alden at Maine noon.

Eh, nataon pa na lumabas din ang video noon na parang may ‘react’ siya nu’ng ipakita sa kanya ang standee ni Alden, kaya ‘yun na, lalong namuhi sa kanya ang mga AlDub fan.

At sa presscon ng “Madrasta”, inusisa nga si Juancho kung hindi ba niya ipinaglaban ang friendship nila ni Maine.

“Ipinaglaban ko naman. Magkaibigan pa rin naman kami hanggang ngayon,” sabi ni Juancho.

Pero, nagtataka nga ang marami dahil parang hindi na sila nagkikita ngayon. Mula nga nu’ng magkadyowa na si Maine, si Arjo Atayde, at magkadyowa na rin siya, si Joyce Pring, hindi na talaga sila tuluyang nagkasama ng una.

“Pareho lang po kaming busy ngayon. Pero, magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon. Hindi naman porke hindi na kami nagkikita, hindi na kami magkaibigan,” sabi pa ni Juancho.

Well, mukhang ingat na ingat na ring magsalita si Juancho nang tungkol kay Maine, dahil alam niyang bobombahin na naman siya ng mga fan nito, na aakusahan na naman siya, na dahil may “Madrasta” siya, heto at ginagamit na naman niya si Maine.

Well, klaro po ‘yan na ang media ang nagtanong kay Juancho, ha!

Kathryn, Daniel nagtukaan sa ilalim ng Aurora Borealis

Saksi ang Aurora Borealis sa matamis na ‘tukaan’ nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Iceland. Ang bongga, ang sweet, at super kilig talaga ang mga fan dahil sa eksenang ‘yon, na hinding-hindi makikita sa pelikula.

“Define magical. The n0orthern lights decided to show up on our first day here, almost as if it was welcoming us. Thanks for showing up, Aurora Borealis! Please feel free to do so again in the coming days. We really don’t mind,” sabi ni Kathryn sa photo na tila naglalaro nga ang kulay green na imahen sa langit, at nakadikit ang mga labi niya sa mukha, o labi rin ni Daniel.

Winner, ‘di ba?

Arra San Agustin umiyak sa presscon

Super iyak si Arra San Agustin sa presscon ng “Madrasta” kahapon. Kasi nga naman, finally ay nabigyan na siya ng pagkakataon na maging bida, ha!

Sabi nga niya, ang pinapangarap lang niya noon, heto nga at nangyayari na sa harap niya ngayon.

Sa guesting nga niya sa “Abantelliling”, sinabi niya na worth it ang lahat ng sampal sa kanya ng mga kalaban niya sa “Madrasta”, tulad nina Thea Tolentino at Almira Muhlach.

Gustong-gusto rin niya ang karakter niya dahil hindi naman daw talaga super api-apihan dahil lumalaban nga rin siya sa mga kaaway niya.

Sa totoo lang, ang ganda-ganda ni Arra sa malapitan. Bagay na bagay nga sa kanya na gawing bida talaga. At kung ang teaser nila ang pagbabasehan, may ibubuga talaga siya sa pag-arte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *