Maine, Jackie Chan, Pacman magkatuwang vs polio

Nakikita naman kung gaano kamahal at ini-spoil din ni Maine Mendoza ang kanyang mga pamangkin. Ang mga ito raw ang mas nag-udyok kay Maine para tanggapin ang pagiging ambassadress ng Rotary sa campaign nito na #EndPolioNow.

The post Maine, Jackie Chan, Pacman magkatuwang vs polio first appeared on Abante.

maine jackie chan pacman magkatuwang vs polio - Maine, Jackie Chan, Pacman magkatuwang vs polio
Maine Mendoza senator manny pacquiao and jackie chan - Maine, Jackie Chan, Pacman magkatuwang vs polio

rose 8 300x156 - Maine, Jackie Chan, Pacman magkatuwang vs polioNakikita naman kung gaano kamahal at ini-spoil din ni Maine Mendoza ang kanyang mga pamangkin. Ang mga ito raw ang mas nag-udyok kay Maine para tanggapin ang pagiging ambassadress ng Rotary sa campaign nito na #EndPolioNow.

Naniniwala si Maine na walang sino mang bata na dapat mag-suffer sa polio. Lalo na at ang life threatening diseases na ito ay mapi-prevent naman ng vaccine.

Galing din sa pamilya ng mga rotarian si Maine kaya isa rin ito sa dahilan kung bakit sinusuportahan niya ang programang mapuksa na ng lubusan ang polio.

Si Maine ang bago sa list ng mga prominenteng tao at celebrities sa buong mundo na sumusuporta sa cause na ito ng Rotary. Sa Pilipinas, nandiyan na si Senator Manny Pacquiao pero sa iba’t ibang bansa, ang South Korean singer na si Psy, action star na si Jackie Chan. Gayundin ang actor na si Donald Sutherland at iba pa.

Aiko ‘forever’ na kay Jay

Halatang in-love na in-love at na-miss ng todo ni Aiko Melendez ang boyfriend na si Vice Governor Jay Khonghun.

Dahil nag-lock in taping ng Prima Donnas ng dalawang linggo kaya hindi sila nagkitang talaga. Hindi puwedeng lumabas at hindi rin puwedeng tumanggap ng bisita sa taping. Sa Instagram post ni Aiko, buong ningning nitong sinabi na, “Pumapagibig si Kendra. Ang nag-iisa sa buhay ko @vicegovjaykhonghun_ hang tamis ano.”

Kasal na nga lang siguro ang kulang sa dalawa.

Na mukhang kung ang actress ang tatanungin e, sure na sure na ito na si Vice Gov na nga. May nag-comment kay Aiko na, “Magkahawig kayo… alam mo na Ms. Aiko ang kasabihan.”

Sinagot naman ito ni Aiko nang, “troots eto na un.”

At sa nag-comment na JaiKo Forever na, isang “oo naman” ang tugon ni Aiko rito.

The post Maine, Jackie Chan, Pacman magkatuwang vs polio first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *