Maine, Carlo nawala ang hiya sa ‘sensuality workshop’

Push na push na ang pelikula nina Carlo Aquino at Maine Mendoza na “Isa Pa With Feeling” under Black Sheep productions. Ayon kay Carlo, sobra-sobra ang natatanggap nilang suporta mula sa mga fan.

The post Maine, Carlo nawala ang hiya sa ‘sensuality workshop’ appeared first on Abante News Online.

maine carlo nawala ang hiya sa sensuality workshop - Maine, Carlo nawala ang hiya sa ‘sensuality workshop’
ABANTE maine 1 - Maine, Carlo nawala ang hiya sa ‘sensuality workshop’

Push na push na ang pelikula nina Carlo Aquino at Maine Mendoza na “Isa Pa With Feeling” under Black Sheep productions. Ayon kay Carlo, sobra-sobra ang natatanggap nilang suporta mula sa mga fan.

Pero dahil nga first time nila together, nagkailangan daw talaga ang dalawa sa simula.

“Sobrang fun although nu’ng first days nu’ng presscon nag-meet ulit kami medyo may awkwardness. Pero after that naman sobrang saya kasama at very accommodating si Maine,” kuwento ni Carlo.

Nakakatuwang malaman na nagkakapalagayan na sila ng loob. ‘Di ba nga, inamin noon ni Maine na childhood crush niya si Carlo? At baka nakasama sa pagkahiya niya ‘yon, na ang dati niyang crush, partner na niya ngayon.

“Nag-aano na kami, nagwo-workshop na kami. May mga sorpresa kami inihahanda para sa inyo lahat doon sa movie. Mag-start kami first day next week or next-next week,” dagdag pa ng dating child star.

Teka lang, sensuality workshop nga ba ang ginagawa nila, kaya unti-unti ay nawawala ang kanilang ilangan? ‘Yan kasi ang uso, para mawala ang ilang ng mga artista sa isa’t isa.

Ganyan nga ang ginawa nina Janella Salvador at Joshua­ Garcia bago sila sumabak sa teleserye nilang “The Killer Bride”. At ang sensuality workshop naman, base sa kuwento, ay ang paghawak-hawak lang ng dalawang tao sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng kapareha nila, tulad ng mukha, tenga, leeg, braso, at iba pa. Hindi naman ‘yon kalaswaan.

Well, abangan na lang natin ang movie nila na ipapalabas sa huling bahagi ng 2019. (Dondon Sermino)

The post Maine, Carlo nawala ang hiya sa ‘sensuality workshop’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *