Maine, Arjo ‘nilanggam’ sa Palawan

Pabonggahan ng Instagram post sina Arjo Atayje at Maine Mendoza para batiin ang isa’t isa sa kanilang second anniversary.

The post Maine, Arjo ‘nilanggam’ sa Palawan first appeared on Abante.

maine arjo nilanggam sa palawan - Maine, Arjo ‘nilanggam’ sa Palawan
abante armaine - Maine, Arjo ‘nilanggam’ sa Palawan

Pabonggahan ng Instagram post sina Arjo Atayje at Maine Mendoza para batiin ang isa’t isa sa kanilang second anniversary.

At ang bongga nga na sa Palawan nila piniling mag-celebrate ng kanilang anibersaryo. At bakit nga naman hindi? Eh, sa haba ng pandemya, o sa haba ng buwan na inilagi lang nila sa kanilang mga bahay, at ngayong pinapayagan na nga ang pagpunta sa iba’t ibang resort o destinasyon, basta sumunod ka lang sa safety protocols, deserve naman nila ang maging masaya.

“I love you more than you could possibly imagine. Happy 2nd anniversary bubs!” sabi ni Arjo with matching pulang puso.

Simpleng ‘happy second’ naman ang caption ni Maine sa photo nila ni Arjo sa IG niya.

Siyempre, tuwang-tuwa ang mga supporter nila, at mga kaibigan nila. Sey nga nila, ito na ang tamang oras para magpakaligaya. At dedma na lang sa mga basher.

And speaking of basher, yes, nandiyan pa rin talaga sila. Ayaw paawat sa kalalait kay Ajro.

Ang iba, duda pa, na kesyo edited daw ang photo, dahil wala raw katawan si Arjo sa photo. At ang admin lang daw ni Maine ang nag-post ng photo na `yon.

At yes, malalakas na tawa lang ang sagot sa kanila ng mga nagmamahal naman kina Arjo at Maine!

Well, lovebirds in Palawan nga ang dating nina Arjo at Maine! At sa sobrang lambingan nila, nilanggam nga raw ang dalawa, ang biro ng mga nagmamahal sa kanila. (Dondon Sermino)

The post Maine, Arjo ‘nilanggam’ sa Palawan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *