Maine, Arjo loving-loving sa Japan nabuking ng mga fan

Lavaaaaan si Maine Mendoza sa ngaragang schedule ng trabaho ngayong darating na mga linggo.

maine arjo loving loving sa japan nabuking ng mga fan - Maine, Arjo loving-loving sa Japan nabuking ng mga fan
ABANTE Maine Arjo - Maine, Arjo loving-loving sa Japan nabuking ng mga fan

Jun Nardo I Know Better 7 336x224 - Maine, Arjo loving-loving sa Japan nabuking ng mga fanLavaaaaan si Maine Mendoza sa ngaragang schedule ng trabaho ngayong darating na mga linggo.

Bukod sa shooting ng dalawang pelikula – – ‘yung project nila ni Carlo Aquino at festival entry nila ni Vic Sotto – – meron pa siyang weekly taping sa “Daddy’s Gurl” sitcom at “Eat Bulaga”.

“Hindi ko alam kung makaka-survive ako sa schedule ko this coming weeks pero lavaaaarn!” tweet ni Meng.

Eh back to regular programming na kasi ang Phenomenal Star matapos lumipad patungong Osaka, Japan. Ang chika, kasama niya sa biyahe ang rumored boyfriend niyang si Arjo Atayde, huh!

May Pinoy netizen sa Japan ang naka-spot sa kanilang dalawa sa isang theme park, huh!

‘Yun nga lang, unlike before na may mga photo together sina Maine at Arjo sa kanilang social media account, this time, waleyyyyy!

Pero huwag mag-aalala ang AlDub fans dahil sa “Eat Bulaga” show sa Dubai sa November 15 sa Dubai World Trade Center, kasama sina Alden Richards at Maine ng ilang “Eat Bulaga” Dabarkads!

Juday dinaga nang husto kay Brillante Mendoza

FIRST time na kabahan nang matindi si Judy Ann Santos sa paggawa ng pelikulang “Mindanao” ayon sa Instagram post niya.

Ayon kay Juday, first time niyang makatrabaho si Brillante Mendoza bilang director. Unang movie niya ito na nakatakdang isali sa iba’t ibang international film festival.

“But more than anything I am beyond grateful to be able to experience working with direk brilliante and his whole team,” bahagi ng caption ni Juday.

Si Allen Dizon ang leading man ni Judy Ann sa pelikula na isa sa Metro Manila Film Festival hopefuls sa last final four official entries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *