Maine, Arjo lantaran ang lambingan sa singapore

Hinala ng marami ay magkasama sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Singapore ngayon, ‘yun ay kung ang pagbabasehan ay ang magkakahiwalay nilang post sa kani-kanilang Instagram.

The post Maine, Arjo lantaran ang lambingan sa singapore appeared first on Abante News Online.

maine arjo lantaran ang lambingan sa singapore - Maine, Arjo lantaran ang lambingan sa singapore
arjo 1 - Maine, Arjo lantaran ang lambingan sa singapore

Hinala ng marami ay magkasama sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Singapore ngayon, ‘yun ay kung ang pagbabasehan ay ang magkakahiwalay nilang post sa kani-kanilang Instagram.

Sa photo posting ni Maine ay makikita ang background niya na parang nasa isang theme park siya. Sa photo posting naman ni Arjo, masisilip na may karatula sa kanyang ulunan at nakasulat na “Godmother’s Potion”.

Posibleng nasa Singapore nga ang magkasintahan dahil nang i-Google namin ang nakasulat sa karatula sa post ni Arjo, lumabas ang buong pangalan nito ay “Fairy Godmother’s Potion”. At ito ay matatagpuan sa Universal Studios Singapore.

Hinihiritan nga ang magdyowa ng kanilang mga fan, lalo na ng mga supporter ni Arjo, na mag-post ang dalawa na magkasama sila sa photo.

Sa Instagram nga ay buking na nga ang dalawa dahil nagkalat ang photos nila together, na pumayag pang magpa-picture sila sa fans.

Kumpirmasyon na lang nila na sila ay magkasama sa Singapore ang hinihintay ng kanilang mga tagahanga.

Well, kailangan pa ba nilang gawin ‘yon, eh, ang mahalaga naman ay super happy silang dalawa, at panay ang abroad nila, ha! (Rey Pumaloy)

The post Maine, Arjo lantaran ang lambingan sa singapore appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *