Maine, Arjo binawalang idispley ang lambingan

Na-sad ang mga ArMaine fan na kilala ko. Kahit pala hindi na maikakaila na may romantic involvement sina Arjo Atayde at Maine Mendoza, malabo namang makapag-take off ang love team ng dalawa.

The post Maine, Arjo binawalang idispley ang lambingan appeared first on Abante News Online.

maine arjo binawalang idispley ang lambingan - Maine, Arjo binawalang idispley ang lambingan
maine arjo 1 - Maine, Arjo binawalang idispley ang lambingan

abante anything goes jun lalin 336x224 - Maine, Arjo binawalang idispley ang lambinganNa-sad ang mga ArMaine fan na kilala ko. Kahit pala hindi na maikakaila na may romantic involvement sina Arjo Atayde at Maine Mendoza, malabo namang makapag-take off ang love team ng dalawa.

Siyempre, marami ang hindi pabor doon lalo na at magkaiba sila ng TV networks, kaya may mga komokontra talaga. Napapansin n’yo ba na wala na halos nakikitang new pics nila na magkasama?

Well…

Bad news sa ‘TV Patrol‘ tatapatan nina Kris, Kevin

Humarap sa entertainment press ang new hosts ng “Cooltura,” ang travel and art show ng IBC-13 na simula sa Tuesday, 7:30PM at may new hosts na. Ipinakilala nga ni IBC-13 President/CEO Kat de Castro sina Kevin Lapeña at Kris Tiffany Janson bilang new hosts ng “Cooltura.”

Si Kevin ay nag-artista na noon sa TV5 at na­ging parte ng “Lipgloss.” May mga eksena nga siya noon na naka-trunks at hunk naman talaga siya, kaya baka sa ibang episodes ng “Cooltura” kung saan ay may beach feature sila ay baka mag-trunks lang siya, pero paghahandaan pa niya ‘yon.

Sa ngayon daw, hindi handa ang kanyang abs. Hahaha!

Si Kris Tiffany naman, kahit na nag-swimsuit na noon sa pagsali niya sa Miss Intercontinental 2014 kung saan ay nag-second place siya, hindi comfortable sa ganoon, pero puwede rin naman at depende nga sa episode.

Nakasama nga pala si Kris Tiffany sa Last Fool Show, kaya ok lang sa kanya na mag-artista rin like Kevin.

Ayon nga pala kay Kat, kahit nakasama na niya noon sa ABS-CBN na nag-host ng “Trip Na Trip” si Kevin, dumaan pa rin ito sa audition bago nga napiling mag-host ng “Cooltura.” Si Kris Tiffany, nag-audition din daw.

Biniro nga pala ng entertainment press ang tatlo kung starting Tuesday raw ba ay mapapataob ng “Cooltura” ang mga katapat nila na “TV Patrol,” “24 Oras,” “FPJ’s Ang Probinsyano” at “Kara Mia,” at natawa sila, pero sinabing inaasahang ang mga mahihilig sa travel and arts ay manonood ng “Cooltura” na may replay rin tuwing Sunday, 9:00PM.

Pabirong sinagot nga pala ni Kat ang tanong kung hindi ba magagalit ang tatay niyang si Noli de Castro dahil more than 15 minutes ng TV Patrol ang tatapatan nila, sinabi niyang, “Kapag sawa na kayo sa bad news sa TV Patrol, dito na kayo sa good news ng Cooltura. Naku, patay ako sa Tatay ko nito! Hahaha!”

Zion walang b-day party

Ngayon ang 6th birthday ni Zion, ang panganay nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, at walang party ang bata, pero baka may dinner lang. Bago kami naghiwalay sa Honolulu, Hawaii, tinanong pa ako ng bata kung pupunta ako sa birthday dinner niya, na sinagot ko ng “Yes.”

Ngayon ang dating ng tatlo mula sa Honolulu, kaya excited na din si Zion na makakasama niya ang kapatid na si Kai sa kanyang birthday.

“I miss Kai!” sabi ni Zion nang tanungin ko tungkol sa kapatid.

Pagdating nga kasi kay Kai ay very kuya si Zion. Anyway, happy birthday, Zion.

And going back to Kai naman, mamaya ay ibabalik na ni Annabelle Rama ang kanyang apo kina Richard at Sarah. Almost two weeks din na alaga ni Bisaya ang apo.

Noong lumindol nga last week, kasama ni Bisaya si Kai, pati ang mister na si Eddie Gutierrez.

Takot na takot daw sila dahil kitang-kita nila ang malakas na pag-sway ng chandelier sa hotel na kinaroroonan nila.

Akala raw nila ay babagsak ang chandelier, kaya naman panay ang dasal ni Bisaya. Nakarating nga kay Richard ang tungkol doon, kaya naman sobrang nag-worry ang aktor habang nasa Hawaii.

Pero sabi nga pala ni Bisaya, nag-enjoy siya sa pag-aalaga kay Kai. Happy baby raw ang kanyang apo at tawa lang nang tawa.

The post Maine, Arjo binawalang idispley ang lambingan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *