Magtatayo ng resto: Julia pinag-quit ni Coco sa showbiz

Balik-eskuwela si Julia Montes ngayon. Tila mas pinili niya ang mag-aral na lang, kesa magtrabaho ulit sa showbiz.

The post Magtatayo ng resto: Julia pinag-quit ni Coco sa showbiz first appeared on Abante.

magtatayo ng resto julia pinag quit ni coco sa showbiz - Magtatayo ng resto: Julia pinag-quit ni Coco sa showbiz
abnate julia montes - Magtatayo ng resto: Julia pinag-quit ni Coco sa showbiz

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 300x180 - Magtatayo ng resto: Julia pinag-quit ni Coco sa showbizBalik-eskuwela si Julia Montes ngayon. Tila mas pinili niya ang mag-aral na lang, kesa magtrabaho ulit sa showbiz.

Di ba nga, tinanggihan niya ang isang teleserye, dahil ayaw niya sa lock in taping.

Anyway, ibinalita mismo ng aktres sa Instagram ang muling pag-aaral, na kung saan ay pinoste niya ang larawan na naka-school uniform siya habang nagsusulat.

Gustong magtayo ng sariling resto si Julia kaya siya bumalik sa paga aral.

“Who said you can’t wear uniforms? Studying while having the luxury of having my fave coffee. Thank you @soutuville_is for helping me step by step achieving my dream on putting up my own restaurant. Looking forward everytime i have classes #JMyway,” sabi ni Julia.

May mga nagsasabi na pinag-quit na ni Coco Martin si Julia sa showbiz para makaiwas sa isyu. At mas gusto na nga lang na magnegosyo.

Inigo namatayan ng lolo

Nababalot ng dalamhati si Inigo Pascual sa pagpanaw ng kanyang paboritong lolo. Pinoste ni Inigo sa Instagram ang video ng lolo niya na noon ay malakas at nakikipagbiruan pa sa kanya.

Mapapanood sa video na nakahiga sa kama ang matanda. Aliw na aliw ito sa pakikipaglaro ni Inigo sa kanya.

Nakasaad sa caption ng video na maluwag na tinanggap ng singer-actor ang paglisan ng kanyang lolo.

Sharon ilusyonada sa P48M na singsing

Aminadong hindi kaya ni Sharon Cuneta na bilhin ang 6k pink diamond dahil nagkakahalaga ito ng USD 1.M, o P48M. Kaya sa pinoste niya ang video ng isang malaking pink diamond sa Instagram, at sinabi niyang hanggang pangarap na lang ang pagnanais nyang magkaroon ng ganun kamahal na alahas.

Ayon sa caption ng video, bata pa siya ay nangarap na siyang magkaroon ng mga alahas na siyang nakikita niya sa kanyang ina noong nabubuhay pa siya.

At hindi nga raw niya kinaya ang $1M worth ng 6k pink diamond na ibinebenta sa kanya noon.

Naloka lang ang mga follower ng aktres dahil ayon sa kanya, pag ang karat ng isang diamond ay mas maliit pa sa 6k hindi niya gusto.

Wala namang nam-bash kay Sharon dahil sa umpisa pa lang ng caption, sinabi na niyang nalulungkot siya para sa mga apektado ng bagyong Ulysses.

‘Pangako’ ni Ogie inawit ni Nicole Scherzinger

Wala pang masyadong detalye, pero base sa pinoste ni Ogie Alcasid sa kanyang Instagram, inawit o ni-record ng Fil-Am singer na si Nicole Scherzinger ang nilikha niyang kanta, ang “Pangako”.

Pinoste ni Ogie ang teaser ng pagkanta ni Nicole sa nasabing awitin at ang larawan ni Nicole.

“This is so exciting!!!! Pangako by @nicolescherzinger congrats @troylaureta @starmusicph #allglorytogod,” sabi pa ni Ogie.

Ikatlo na si Nicole sa nag-record ng ‘Pangako’ na inawit din ni Regine Velasquez.

Base sa sample ng kanta, may kakaibang panlasa ang rendition ni Nicole at hindi siya malalamon ni Regine, na blockbuster sa kantang ito.

Rufa Mae bumili ng bahay sa US

Matatagalan pa bago bumalik ng Pilipinas si Rufa Mae Quinto dahil binilhan na siya ng bahay ng kanyang asawa sa Amerika. Ibinahagi ni Rufa Mae sa Instagram ang video na nagbabalita na meron na silang bagong bahay sa US.

Pahiga-higa pa si Rufa Mae sa carpet ng kuwarto nila kasama ang anak na si Alexandria. Nagpasalamat si Rufa Mae sa asawa niya.

Pinagsamang wedding anniversary gift, birthday present ng anak nila at thanksgiving ang kanilang bagong bahay.

Sabi nga ni Rufa Mae masaya sya sa buhay nilang mag-ina sa Amerika.

Jane nagbigay tulong sa Marikina

Hindi matuloy-tuloy ang pagiging Darna ni Jane de Leon. Pero, pinangatawan na rin niya ang role sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan.

Nakaposte sa Instagram ni Jane ang larawan nang pamamahagi niya ng relief goods sa mga biktima ng bagyo sa Marikina.

Nagpasalamat siya sa mga LGUs na nag-asikaso sa kanya at tumulong sa distribution ng goods. Solo lang si Jane sa lakad niyang ito.

The post Magtatayo ng resto: Julia pinag-quit ni Coco sa showbiz first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *