‘Magpapalakas ako!’ Kris may bantang pasabog sa YouTube

Ang lakas naman ni Erich Gonzales kay Kris Aquino. Imagine, alang-alang sa dinirek niyang short film (?) na ipalalabas sa YouTube channel nila ni Enchong Dee, ang EnRich Originals, lumantad si Kris sa Instagram, at isinama pa niya si Bimby.

The post ‘Magpapalakas ako!’ Kris may bantang pasabog sa YouTube first appeared on Abante.

magpapalakas ako kris may bantang pasabog sa youtube - ‘Magpapalakas ako!’ Kris may bantang pasabog sa YouTube
abante kris aquino 4 - ‘Magpapalakas ako!’ Kris may bantang pasabog sa YouTube

dondon sermino 7 - ‘Magpapalakas ako!’ Kris may bantang pasabog sa YouTubeAng lakas naman ni Erich Gonzales kay Kris Aquino. Imagine, alang-alang sa dinirek niyang short film (?) na ipalalabas sa YouTube channel nila ni Enchong Dee, ang EnRich Originals, lumantad si Kris sa Instagram, at isinama pa niya si Bimby.

“You. Me. Maybe. Congratulations direk @erichgg – this September 19, 2020,” caption ni Kris.

Erich Gonzales (@erichgg) • Instagram photos and videos
4.6m Followers, 272 Following, 294 Posts – See Instagram photos and videos from Erich Gonzales (@erichgg)

Pero, naaliw lang ang mga netizen dahil pati ang orange na eyeshadow ni Erich ay pinansin ni Kris. Nataranta tuloy si Bimby, at nakiusap na i-edit ang sinabing `yon ng mama niya. Pero siyempre, si Kris ang nasunod, at hindi na-edit ang part na `yon.

“Ate Kris, Bimb thank you very much. I love you,” sabi ni Erich.

“We even made a mini review for you- thanks for teaching me that on telegram we can send bigger files! Sorry- my orange eyeshadow may follow up pa sa review,” sagot ni Kris kay Erich.

Kasunod nga agad ang video na ni-review, at in-endorse nina Kris at Bimby ang ‘film’ na `yon ni Erich.

Nangako nga pala si Kris na magpapaka-active siya sa YouTube channel niya kapag malakas na siya. At patatapusin lang daw niya ang tinatawag na ‘ghost month’.

“Palalakasin ko pa ang resistensiya ko, at tapusin lang natin ang ghost month,” sey pa ni Kris.

Umaasam ang mga fan ni Kris na sa YouTube channel niya itutuloy ang kanyang talk show, na posibleng mangyari nga sa susunod na taon.

Hallypop trending agad

Sa tulong ng GMA Network ay mapapanood na rin sa Pilipinas ang kauna-unahang Asian Pop Culture channel na ‘Hallypop’!

Siguradong mas magiging updated ang fans ng K-Pop, K-Drama, at viewers ng iba pang lifestyle at music programs sa Asia dahil dito.

Agad-agad nag-trending nationwide ang teaser video ng Hallypop sa Twitter at maraming netizens ang na-excite sa mga programang maaari nilang mapanood dito katulad ng patok na shows na Running Man, Music Bank, StarGaze Musik, at marami pang iba!

Simula ngayong September, humanda sa kakaiba at mas pinagandang viewing experience hatid ng Hallypop sa GMA Affordabox. Abangan!

Dingdong natakam sa ‘putahe’ ni Marian

Habang naka-self quarantine si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes matapos ang lock-in taping ng Descendants of the Sun PH, hindi nakaligtaan ng kanyang asawa na si Marian Rivera na padalhan siya ng paborito niyang pagkain.

Sa Instagram story ni Dingdong, ibinahagi niya ang pinadalang menudo ni Marian na sinamahan ng caption na, “Salamat mahal ko! I’ve been craving for this! #MenudoNiIngkang #MenudoNiMarian.”

Agad naman siyang sinagot ni Marian at pinost sa kanyang Instagram story na, “See you soon, Mahal!”

Samantala, abangan ang nalalapit na pagbabalik ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa GMA Telebabad.

The post ‘Magpapalakas ako!’ Kris may bantang pasabog sa YouTube first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *