‘Magikland’ liyamado sa MMFF

May pandemya man o wala, hindi nagpatinag ang pamunuan ng MMFF sa paghahatid ng taunang Metro Manila Film Festival.

The post ‘Magikland’ liyamado sa MMFF first appeared on Abante.

magikland liyamado sa mmff - ‘Magikland’ liyamado sa MMFF
abnate magikland - ‘Magikland’ liyamado sa MMFF

FINAL columnists ANSABE Rose Garcia 2 300x180 - ‘Magikland’ liyamado sa MMFFMay pandemya man o wala, hindi nagpatinag ang pamunuan ng MMFF sa paghahatid ng taunang Metro Manila Film Festival.

At wala man ito sa mga tradisyonal na sinehan, mapapanood naman ito sa online at ang maganda pa, hindi na mangangamba ang mga producers, staff at artista na mag-first day, last day ang mga pelikula nila.

At kung mukhang imposible ang taunang parade of stars ng MMFF, ginawa pa rin itong posible ng MMFF 2020 sa pamamagitan ng virtual parade of stars na ginanap pa rin ng December 23.

Now, ang inaabangan ng lahat ngayong online showing ang mga MMFF entries, anong movie raw kaya among the ten films ang pinakamagiging malakas kahit online.

Ang pinaka-big budgetted movie nga kaya na Magikland, na ngayon pa lang ay marami na ang nai-excite masilip ang mga bonggang effects nito? O baka ang mga low key movies?

Tulfo, Mr. Gay World nag-tandem sa YT

Ang former Mr. Gay World titlist turned businessman at ngayon naman ay tinatawag na Quarantine Online Philantropist na si Wilbert Tolentino ay humahataw na rin pala sa vlogging world.

Ang bilis ng pag-akyat ng subscribers niya dahil in almost two months, nagkaroon na siya agad ng 300, 000 subscribers. At para rito, isang malaking achievement sa kanya, lalo pa nga’t bago lang niyang pinasok ang naturang app.

Isa si Wilbert sa COVID-19 survivor at ang goal daw niya sa pagba-vlogging ay ang patuloy na makatulong sa mga kababayan niya, lalo na yung nagsa-suffer sa pandemya sa iba’t-ibang kadahilanan.

At in fairness, ang dami na niyang naka-collab sa kanyang vlog. Nandiyan ang mga komedyante na sina Beks Batallion (Chad Kinis), Lassy Marquez, MC Muah. Gayundin sina Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Zeinab Harake. May collab din siya kasama ang JaMill at maging sa Kapuso actress na si Sanya Lopez.

At ang latest, nakapag-collab na rin siya kay Raffy Tulfo.

At kilalang generous, may paandar ito ngayong December 24 at 7pm para sa mga exclusive kafreshness subscribers niya for Noche Bola Raffe Bonanza.

The post ‘Magikland’ liyamado sa MMFF first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *